impeyalismo,
pyudalismo,
burukrata kapitalismo,
IBAGSAK!!!!!
NO TO CAH CHA
NO TO VAT
NO TO OIL DEREGULATION LAW
NO TO LIBERALISM GOVERNMENT
NO TO GLORIA ARROYO-US GOVERNMENT
Kabataan:Lakas at Boses ng Inang bayan
November 9, 2008tayo’y nasa rurok na nang ating pakikipabaka mga kasama
kunti na lang at atin nang makakamit democrasyang kay taggal nang minimithi
kaya atin pang paigtingin paglawakin at paghusayin ang ating pakikibaka
at paglilingkod sa masa.
lalo na sa ating mga kabataan n syang pag asa ng inang bayan.
na patuloy na pinaparatangan na mga tuta ng terorista.
makikita natin kung paano na nangangamba ang rehimeng tuta ng amerkanong si gloria
kung ano ano ang ibinabansag sa ating mga kabataan.
at di pa sya nakuntento pilit nya tayong denedemoralita at kinakasuhan ng kung ano ano
upang tayo’y pigilan sa pagpapahayag ng ating mga dunong at pamamahagi ng dunong na ito
sa mga maralitang masa na syang kanyang paburitong laruan.
tayo mga kabataan ang boses ng masa, ang lakas ng masa kung kayat tayo’y kumilos na at
bumangon na! tama na ang pagbubulag bulagan at pagbibingi bingihan, isagawa natin ang
bansag ng ating mga nunang bayani na tayo mga kabataan ang tunay na pagasa ng bayan
nasa mga palad natin ang pagbabago, kaya na may himukin natin ang mga kapa nating mga kabataan
sa ating komonidad, paaralan, at kahit saan pa yan hanggat may kabataan, atin silang imulat himukin
na makiisa sa pagsugpo sa mga mandaragit at nagpapakaDyos na patuloy ang pangbubusabos at
pangdudusta sa ating inang bayan.
kaya namay atin isustina ang rurok na ating tinatamasa sa mga panahong ito.
maging masigasig tayo mga kabataan huwag tayong lulugolugo dahila tayo ang lakas n sumusuporta
sa mga manggagawa’t magsasaka na sya ring patuloy na pinagsasamantalahan ng bulok na
nangangalingasaw na gobyerno ng tutang si gloria.
napapanahon na mga kasama na pagbuklurin ang mga kabataan sa mas matibay at mas malakas na
pakikibaka kontra sa kabulukang ito.
pagpupugay sa mga kasama.!!!!
Panaghoy ni Inang Bayan
November 1, 2008Narinig ko ang panaghoy ng sambayanan kong nagugutom, naghihikahos, walang matirhan, pinapatay, inaapi’t pinagsasamantalahan ng isang walang hiyang diktadura kaya’t narito ako’t sumisigaw ng katarungan.
katarungan para sa bayan kung dusta; dinusta ng mapangkam kam na lipunan ng mga ariktokrata na walang alam kundi pagyamanin ang sariling kaban.
asan na ang hustisya n para sa lahat n syang isinisigaw ng sambayanang maralita’t madla.
heto pa ang mga ibong mandaragit patuloy sa pagsulput mula sa kung saang lupalop ng bayan. kayat walang humpay ang kahirapang dinaranas nang aking inang bayan at patuloy sa paghahanap ng manananggol na hindi batid kung kailan darating upang maningil sa mga mapangapi at mapagmataas na mga diktadura’t mapagsamantala.
habang di pa dumarating ang inaasahan ng inang bayan, naririto ang mga kabataan na patuloy sa paglaban sa mga ibong mandaragit at sa mga diktadura’t mapagsamantala. ipinaglalaban ng mga kabataang ito ang karapatan ng inang bayan, nang tumahan na sa kanyang pagtangis at maibsan ang hinagpis na patuloy na dinaranas. palayain ang inang bayan ang kanilang isinisigaw tunay n hustisya ang kanilang dinaraing.
Nyelle
lfsarellanista.i.ph
heansaro_08@hotmail.com
heansaro_08@yahoo.com


