AROUSE, ORGANIZE, & MOBILIZE!

impeyalismo,
pyudalismo,
burukrata kapitalismo,
IBAGSAK!!!!!

NO TO CAH CHA
NO TO VAT
NO TO OIL DEREGULATION LAW
NO TO LIBERALISM GOVERNMENT
NO TO GLORIA ARROYO-US GOVERNMENT

Home » Archives » 29. October 2008

PR: Youth groups urge third world nations to boycott migration forum

October 29, 2008

 

Youth groups kick-off protests against Global Forum on Migration and

Development, urge third world states to boycott meeting

October 17, 29, 2008

Youth activists led by Anakbayan and League of Filipino Students (LFS)
picketed different embassies of third worlds nations today, urging
them to boycott the upcoming Global Forum on Migration and Development
(GFMD) to be held in Manila on October 27-30, 2008.

The protesters brought huge streamers saying “No to GFMD”, “No to
modern-day slavery! End foced migration!”, “Create decent jobs at
home”.

“The GFMD really means Gloria, George Bush and Globalization Forcing
Migrants to Death. The meeting will uphold more anti-migrant policies
and will exploit further the desperation of poor Filipinos and other
peoples of the third world in order to benefit the first world
nations,” said Ken Ramos, national chairperson of Anakbayan.

Ramos said that Arroyo does not have a right to brag about the migrant
policies in the Philippines as dozens of migrants monthly return home
in cofffins.

For his part, LFS national chairperson Vencer Crisostomo said the GFMD
a “cover-up” of the true state of migration and poverty in the third
world and a “conspiracy” of first world states to exploit further the
desperation of the poor people.

“This talk about migration and development is a cover-up of the fact
that people are being forced to migrate because of desperation.
Migration is brought about precisely by the lack of development in the
third world and the lack of jobs at home. This meeting should not be
allowed to cover-up the crime, committed by governments and states
adherent to globalization, of breaking up families and forcing massive
migration because of failure to address poverty and joblessness,” said
Crisostomo.

He said that instead of treating migration as “a symptom of the lack
of development in the third world, it is being skewed as to seem as
the solution to third world poverty.”

Crisostomo promised to “rock” the GFMD with militant protest actions
and rallies.

Anakbayan and LFS will also be part of a meeting of Asian youth
leaders to be held in the Philippines ahead of the GFMD. The general
conference of the Asian Students Association on October 25 to 27, is
expected to gather young leaders from New Zealand, Bangladesh, Nepal,
Pakistan, Japan, Palestine, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Thailand,
Burma, and many others against the GFMD.#

Reference: Ken Ramos, 09215129678
Ron Villegas, 09239130516
Vencer Crisostomo, 09228262606

Posted by lfsarellanista at 4:51 pm | permalink | Add comment

historical materialism

magandang araw sa lahat…. narito ang teksto na nagpapaliwanag ano ang materyalismong istoriko na siyang teoretikal na batayan ng isang tunay na marxistang organisasyon. maintindihan ninyo dito na ang pagbulusok-pababa (decadence) ng isang panlipunang sistema ang esensya ng materyalismong istoriko.
kaya nanindigan ang mga kaliwang komunista (internasyunalistang-komunista) na nasa yugto na tayo ngayon ng dekadenteng kapitalismo magmula 1914 at nasa istorikal na agenda na ng lahat ng mga bansa (kabilang ang Pilipinas) ang komunistang rebolusyon, HINDI “pambansa-demokratikong” rebolusyon.

sana makomentaryohan ninyo ang tekstong ito. maraming salamat….

Posted by lfsarellanista at 4:45 pm | permalink | Add comment

OFWs: nasa peligrong mawalan ng trabaho

Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo, ang lahat ng mga bansa ay mabubuhay lamang kung mag-eksport (ng kahit ano kasama na ang tao). Kung hindi maka-eksport o kaya di sapat ang eksport, tiyak dadanas ng matinding krisis ang naturang bansa.

Hindi lang ang Pilipinas ang “export-oriented economy” kundi lahat ng mga bansa kabilang na ang mayayamang mga bansa. Ito ang katangian ng imperyalismo bilang pandaigdigang sistema ng kapitalismo.

Dahil isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas (at wala na itong pag-asa pang maging abanteng kapitalistang bansa kahit Kaliwa pa ang hahawak sa estado dahil nasa dekadenteng yugto na ang pandaigdigang kapitalismo), katulad ng ibang atrasadong mga bansa, isa sa mayor na inaasahan nito sa eksport ay “human export”. Sa Pilipinas, mga OFWs.

Ang mga OFWs ay lumikas sa Pilipinas dahil wala ng kapasidad pa ang kapitalismo sa bansa na bigyan ng matinong trabaho at sweldo ang dumaraming lakas-paggawa. Sa madaling sabi, ang pagiging inutil ng sistema ang dahilan ng paglabas ng milyun-milyong manggagawa. Sa kabilang banda, ang bilyung-bilyong pesos na remittances ng mga kapatid nating OFWs ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa sa pangkalahatan.

Pandaigdigang krisis ng kapitalismo

Nasa panibagong matinding krisis ngayon ang pandaigdigang bulok na sistema. At nagsimula pa ito sa tinaguriang “pinakamayamang” bansa sa buong mundo – Amerika. Patunay lamang ito na hindi eternal ang sistema ng sahurang alipin at hindi komunismo ang bumagsak noong 1989 kundi kapitalismo ng estado.  

Dahil mga bangko at institusyong pinansyal ang unang bumagsak, tiyak ang susunod ay ang mga kompanya at industriya dahil wala ng mauutangan pang kapital ang mga kapitalista ng industriya.

Tiyak maraming mga kompanya at industriya ang magsasara kung hindi mahanapan ng temporaryong solusyon ng naghaharing uri ang kanyang krisis ngayon. Sa sarahan na posibleng mangyari, daan-daang milyong manggagawa ang mawalan ng trabaho sa unang daigdig. Kung magkaganoon, peligrong mawalan ng trabaho ang mga OFWs sa Amerika at Uropa.

Ang mga manggagawa din sa ibang mga bansa na dati ay may kapasidad na kukuha ng domestic helper, ngayon ay hindi na nito kaya dahil nawalan na ng trabaho o kaya ay nagtitipid dahil sa kakulangan ng sweldo.

Ang mga call centers naman dito sa Pilipinas kung saan mahigit 400,000 ang manggagawa ay peligro ding magsara kung magsara ang mga kliyente nitong kompanya sa USA at Urope.

Inutil ang estado ng Pilipinas

Nagsisinungaling sa sarili at sa manggagawang Pilipino ang estado ng Pilipinas sa kanyang assurance na may kapasidad daw itong saluhin ang mga OFWs na mawawalan ng trabaho sa ibang bansa. Ano ang gawin nito? WALA! Walang magagawa ang isang estado na lubog na lubog sa utang at umaasa lamang sa remittances ng OFWs! Walang maasahan sa isang estado na nabubuhay lamang sa pangungutang na siyang dahil ng kasalukuyang krisis pinansyal sa buong mundo – hindi na mabayaran ang mga utang!

Ang kahirapan at pagiging inutil ng estadong kapitalista ang pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang OFWs. Hanggang ngayon naghihirap ang bansa at inutil pa rin ang gobyerno kahit nagpalit-palit ang mga paksyon ng naghaharing uri sa paghawak sa kapangyarihan.

Ibayong kahirapan ang maranasan ng magsiuwiang OFWs sa Pilipinas. At alam ito ng mga kapatid natin sa ibang bansa.

Walang anumang batas mula sa Kongreso ang makapagbigay ng solusyon sa krisis ngayon ng sistema. Gaano man kadami ang mga Kaliwang kongresista sa kongreso (Bayan Muna, Akbayan, at iba pa). Wala itong magagawa dahil mismong ang Kongreso (kung saan kakutsaba ang Kaliwa) ay instrumento ng bulok na sistema.

Hindi rin solusyon ang nasyunalisasyon ng industriya sa ilalim ng isang pandaigdigang kapitalistang sistema. Ito ay kapitalismo ng estado na napatunayang palpak sa dating USSR, Eastern Europe, China, Vietnam, Cuba, etc. Ang kapitalismo ng estado ay tiyak na pipiga ng lakas-paggawa sa pamamagitan ng ibayong pagsasamantala sa mga manggagawa sa ngalan ng “pagmamahal sa bayan” at “pagtatanggol sa inang-bayan”.

Hindi lang ang estado ng Pilipinas ang inutil. Lahat ng mga kapitalistang estado sa buong mundo ay inutil! Hindi na nito masolusyonan ang krisis na nananalasa ngayon dahil ang puno’t-dulo nito ay ang mismong mga kapitalistang relasyon sa produksyon, ang sahurang pang-aalipin!

Nasa uring manggagawa ang pag-asa

Wala na sa kamay ng burgesya ang pag-asa para makaahon sa kahirapan ang sangkatauhan sa mundo. Ang pag-asa ay nasa kolektibong mga kamay ng mulat na internasyunal na uring manggagawa, ang uri na siyang bumubuhay sa lipunang kapitalista.

Wala sa loob ng sistemang kapitalista ang solusyon kundi nasa pagwasak sa sistemang ito. At ang uring manggagawa lamang ang may tanging kapangyarihan na wasakin ang bulok na sistema.

Nasa uring manggagawa ang pag-asa ng sangkatauhan. Pero ma-realisa lamang ito kung hindi na aasa ang proletaryado sa burges na parliyamento, burges na eleksyon, mga reporma sa loob ng sistema at mga burges na partido pulitikal kabilang na ang mga partido ng Kaliwa.

Kung aasa ang proletaryado sa sariling lakas at pagkakaisa. Kung aasa ito sa lakas ng kanyang pakikibaka sa lansangan – mga welga at demonstrasyon – laban sa kapitalistang estado mismo at sa mga atake ng uring kapitalista, tiyak sisikat ang araw ng pag-asa sa mundo.

Walang maasahan ang mga manggagawang Pilipino kundi ang pakikiisa sa mga kapatid na manggagawa sa ibang mga bansa. Hindi maaasahan ng manggagawang Pilipino ang burges na oposisyon at ang “makabayang” burgesya at pulitiko. Anumang partido pulitikal sa bansa na nanawagan ng pakikiisa sa burges na oposisyon at “makabayang” burgesya at pulitiko ay traydor sa interes ng uring manggagawa.

Ito ang papel ng mga komunista sa buong mundo – ipakita at ipaliwanag sa kanilang uri na ang pag-asa ay nasa kanilang pagkakaisa at pakikibaka laban sa kapitalismo, laban sa lahat ng paksyon ng burgesya, laban sa estado at sa lahat ng mga institusyon nito.

Posted by lfsarellanista at 4:31 pm | permalink | Add comment

Impeachment kay Gloria, Repormismo sa Esensya

Oktubre 13, 2008 nagsampa ng panibagong impeachment case sa kongreso ang burges na oposisyon kasabwat ang Bayan Muna at mga kaalyado nito sa Kaliwa at repormista. Ang panibagong impeachment case ay pinangunahan ni Joey de Venecia, anak ni dating Speaker Jose de Venecia na dating kaalyado ng paksyong Arroyo.

Ano ang layunin ng impeachment?

Una, nais lamang ipako ng burges na oposisyon at Bayan Muna ang kamulatan ng masa na ang paksyong Arroyo lamang ang ugat ng kahirapan sa bansa.

Pangalawa, upang muling hikayatin ang taumbayan na muling magtiwala sa burges na kongreso.  Natatakot ang buong uring kapitalista na dadami ang mawalan ng tiwala sa parliyamentarismong burges at hawakan ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka. Ang papel ng Kaliwa sa kongreso bilang oposisyon ang epektibong pamg-eengganyo ng burgesya para muling manumbalik ang tiwala ng manggagawa at maralita sa burges na demokrasya.

Katunayan, si Bayan Muna representative Satur Ocampo mismo ang nagsasabing malaki daw ang posibilidad na mas maraming mga kongresista ang makumbinsi ngayon sa mga “ebidensyang” inihapag nila. At kung hindi na naman daw magtagumpay ang impeachment ay “naipakita” ng Kaliwa sa taumbayan na may kumikilos pa rin para patalsikin si Gloria. Ganito ka baluktot mag-isip ang Bayan Muna!

Pangatlo, paghahanda ito ng burges na oposisyon at Kaliwa para sa kanilang alyansa sa eleksyon sa 2010. Ibig sabihin, hikayatin ang masang anakpawis na itransporma sa boto ang kanilang galit sa bulok na sistema.

Bagamat punung-puno ng radikalismo ang pananalita ng Kaliwa laluna ng mga maoista, namutiktik naman sa repormismo ang kanilang praktika. Hindi maitago ng “armadong pakikibaka” ng maoistang Kaliwa ang mabilis na nalalantad na pagtatanggol nito sa pambansang kapitalismo na ngayon ay binabayo ng matinding krisis.

Kung sasabihin naman ng Kaliwa na ang ginagawa nila (repormismo) ay isa lamang taktika para isulong ang “rebolusyon”, mabuti pang iumpog nila ang kanilang mga ulo sa pader!

Kahit pa magtagumpay ang impeachment at mapatalsik si GMA sa Malakanyang, si Bise-Presidente Noli de Castro, na isa ding bataan ng mga kapitalista lamang ang papalit.

Higit sa lahat, hindi ang isang paksyon ng naghaharing uri ang dahilan ng krisis kundi ang mismong sistema ng sahurang pang-aalipin. Ang LAHAT ng paksyon ng naghaharing uri (administrasyon at oposisyon) ay sagad-saring tagapagtanggol ng bulok na sistema. Ang buong kapitalistang estado mismo (anumang paksyon ang hahawak nito) ang tagapagtanggol ng sistema. Ang buong estado mismo at ang lahat ng mga institusyon nito (kongreso, senado, korte, hukbong sandatahan, at iba pa) ang kailangang durugin sa pamamagitan ng rebolusyon ng manggagawa at hindi ng gerilyang pakikidigma sa kanayunan.

Posted by lfsarellanista at 4:28 pm | permalink | Add comment