impeyalismo,
pyudalismo,
burukrata kapitalismo,
IBAGSAK!!!!!
NO TO CAH CHA
NO TO VAT
NO TO OIL DEREGULATION LAW
NO TO LIBERALISM GOVERNMENT
NO TO GLORIA ARROYO-US GOVERNMENT
The government had spent more than P1 billion for foreign travels last year, which is almost equivalent to the anti-poverty fund allotted by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) this year.
October 30, 2008Citing annual reports from the Commission on Audit, GMA News Research found out that the Arroyo government has exceeded its yearly allotted budget for foreign travels amounting to P472 million.
In her report in GMA News’ 24 Oras, Kara David said the government’s expenses for foreign trips last year had doubled despite President Arroyo’s Executive Order 103. EO 103, issued in 2004, bars government officials from traveling abroad without her authorization.
The television report said the Office of the President, with P588.49 million, had the biggest chunk of the P1.2 billion spent on foreign travels last year.
Next to the OP were the Department of Foreign Affairs with P235.8 million; Department of Tourism, P63 million; Presidential Broadcast Staff, P44.2 million; Department of Trade and Industry, P34 million; Armed Forces of the Philippines, P27.7 million; Office of the Press Secretary, P24.7 million; Department of Agriculture, P19.5 million; Department of Labor and Employment, P13.9 million; and the House of Representatives, P12.6 million.
The P1.2 billion spent for the government’s foreign is almost equivalent to the budget allotted this year by the Department of Education for its school building program, which amounts to P1.7 billion, as reflected in the 2008 General Appropriations Act, the report said.
Likewise, last year’s expenditures for foreign travel is almost equivalent to the P1.3 billion budget allotted by the DSWD to its hunger and anti-poverty program.
Budget Secretary Rolando Andaya, however, defended the officials’ foreign trips, saying they did it mainly to invite investors to the country.
“The more you travel, the more benefit dapat ang makuha ng gobyerno (the government should get) from your travel. You look at the point of investment,” Andaya said.
Andaya also said savings from local travels was used to finance the foreign trips, and that government officials usually travel in economy class and that allowance or per diem is based on the guidelines set by the United Nations Development Program.
The government’s annual budget for local and foreign travels is P6.7 billion.
The issue on foreign travels of government officials came to light following the controversy surrounding eight ranking officials of the Philippine National Police (PNP) who recently attended a conference in Russia.
One of them, retired PNP comptroller Eliseo dela Paz, was briefly held in Moscow airport for failing to declare P6.9 million. The PNP said the money was the contingency fund of the delegation, but its real source is yet to be known. - GMANews.TV
PR: Youth groups urge third world nations to boycott migration forum
October 29, 2008Youth groups kick-off protests against Global Forum on Migration and
Development, urge third world states to boycott meeting
October 17, 29, 2008
Youth activists led by Anakbayan and League of Filipino Students (LFS)
picketed different embassies of third worlds nations today, urging
them to boycott the upcoming Global Forum on Migration and Development
(GFMD) to be held in Manila on October 27-30, 2008.
The protesters brought huge streamers saying “No to GFMD”, “No to
modern-day slavery! End foced migration!”, “Create decent jobs at
home”.
“The GFMD really means Gloria, George Bush and Globalization Forcing
Migrants to Death. The meeting will uphold more anti-migrant policies
and will exploit further the desperation of poor Filipinos and other
peoples of the third world in order to benefit the first world
nations,” said Ken Ramos, national chairperson of Anakbayan.
Ramos said that Arroyo does not have a right to brag about the migrant
policies in the Philippines as dozens of migrants monthly return home
in cofffins.
For his part, LFS national chairperson Vencer Crisostomo said the GFMD
a “cover-up” of the true state of migration and poverty in the third
world and a “conspiracy” of first world states to exploit further the
desperation of the poor people.
“This talk about migration and development is a cover-up of the fact
that people are being forced to migrate because of desperation.
Migration is brought about precisely by the lack of development in the
third world and the lack of jobs at home. This meeting should not be
allowed to cover-up the crime, committed by governments and states
adherent to globalization, of breaking up families and forcing massive
migration because of failure to address poverty and joblessness,” said
Crisostomo.
He said that instead of treating migration as “a symptom of the lack
of development in the third world, it is being skewed as to seem as
the solution to third world poverty.”
Crisostomo promised to “rock” the GFMD with militant protest actions
and rallies.
Anakbayan and LFS will also be part of a meeting of Asian youth
leaders to be held in the Philippines ahead of the GFMD. The general
conference of the Asian Students Association on October 25 to 27, is
expected to gather young leaders from New Zealand, Bangladesh, Nepal,
Pakistan, Japan, Palestine, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Thailand,
Burma, and many others against the GFMD.#
Reference: Ken Ramos, 09215129678
Ron Villegas, 09239130516
Vencer Crisostomo, 09228262606
historical materialism
magandang araw sa lahat…. narito ang teksto na nagpapaliwanag ano ang materyalismong istoriko na siyang teoretikal na batayan ng isang tunay na marxistang organisasyon. maintindihan ninyo dito na ang pagbulusok-pababa (decadence) ng isang panlipunang sistema ang esensya ng materyalismong istoriko.
kaya nanindigan ang mga kaliwang komunista (internasyunalistang-komunista) na nasa yugto na tayo ngayon ng dekadenteng kapitalismo magmula 1914 at nasa istorikal na agenda na ng lahat ng mga bansa (kabilang ang Pilipinas) ang komunistang rebolusyon, HINDI “pambansa-demokratikong” rebolusyon.
sana makomentaryohan ninyo ang tekstong ito. maraming salamat….
OFWs: nasa peligrong mawalan ng trabaho
Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo, ang lahat ng mga bansa ay mabubuhay lamang kung mag-eksport (ng kahit ano kasama na ang tao). Kung hindi maka-eksport o kaya di sapat ang eksport, tiyak dadanas ng matinding krisis ang naturang bansa.
Hindi lang ang Pilipinas ang “export-oriented economy” kundi lahat ng mga bansa kabilang na ang mayayamang mga bansa. Ito ang katangian ng imperyalismo bilang pandaigdigang sistema ng kapitalismo.
Dahil isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas (at wala na itong pag-asa pang maging abanteng kapitalistang bansa kahit Kaliwa pa ang hahawak sa estado dahil nasa dekadenteng yugto na ang pandaigdigang kapitalismo), katulad ng ibang atrasadong mga bansa, isa sa mayor na inaasahan nito sa eksport ay “human export”. Sa Pilipinas, mga OFWs.
Ang mga OFWs ay lumikas sa Pilipinas dahil wala ng kapasidad pa ang kapitalismo sa bansa na bigyan ng matinong trabaho at sweldo ang dumaraming lakas-paggawa. Sa madaling sabi, ang pagiging inutil ng sistema ang dahilan ng paglabas ng milyun-milyong manggagawa. Sa kabilang banda, ang bilyung-bilyong pesos na remittances ng mga kapatid nating OFWs ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa sa pangkalahatan.
Pandaigdigang krisis ng kapitalismo
Nasa panibagong matinding krisis ngayon ang pandaigdigang bulok na sistema. At nagsimula pa ito sa tinaguriang “pinakamayamang” bansa sa buong mundo – Amerika. Patunay lamang ito na hindi eternal ang sistema ng sahurang alipin at hindi komunismo ang bumagsak noong 1989 kundi kapitalismo ng estado.
Dahil mga bangko at institusyong pinansyal ang unang bumagsak, tiyak ang susunod ay ang mga kompanya at industriya dahil wala ng mauutangan pang kapital ang mga kapitalista ng industriya.
Tiyak maraming mga kompanya at industriya ang magsasara kung hindi mahanapan ng temporaryong solusyon ng naghaharing uri ang kanyang krisis ngayon. Sa sarahan na posibleng mangyari, daan-daang milyong manggagawa ang mawalan ng trabaho sa unang daigdig. Kung magkaganoon, peligrong mawalan ng trabaho ang mga OFWs sa Amerika at Uropa.
Ang mga manggagawa din sa ibang mga bansa na dati ay may kapasidad na kukuha ng domestic helper, ngayon ay hindi na nito kaya dahil nawalan na ng trabaho o kaya ay nagtitipid dahil sa kakulangan ng sweldo.
Ang mga call centers naman dito sa Pilipinas kung saan mahigit 400,000 ang manggagawa ay peligro ding magsara kung magsara ang mga kliyente nitong kompanya sa USA at Urope.
Inutil ang estado ng Pilipinas
Nagsisinungaling sa sarili at sa manggagawang Pilipino ang estado ng Pilipinas sa kanyang assurance na may kapasidad daw itong saluhin ang mga OFWs na mawawalan ng trabaho sa ibang bansa. Ano ang gawin nito? WALA! Walang magagawa ang isang estado na lubog na lubog sa utang at umaasa lamang sa remittances ng OFWs! Walang maasahan sa isang estado na nabubuhay lamang sa pangungutang na siyang dahil ng kasalukuyang krisis pinansyal sa buong mundo – hindi na mabayaran ang mga utang!
Ang kahirapan at pagiging inutil ng estadong kapitalista ang pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang OFWs. Hanggang ngayon naghihirap ang bansa at inutil pa rin ang gobyerno kahit nagpalit-palit ang mga paksyon ng naghaharing uri sa paghawak sa kapangyarihan.
Ibayong kahirapan ang maranasan ng magsiuwiang OFWs sa Pilipinas. At alam ito ng mga kapatid natin sa ibang bansa.
Walang anumang batas mula sa Kongreso ang makapagbigay ng solusyon sa krisis ngayon ng sistema. Gaano man kadami ang mga Kaliwang kongresista sa kongreso (Bayan Muna, Akbayan, at iba pa). Wala itong magagawa dahil mismong ang Kongreso (kung saan kakutsaba ang Kaliwa) ay instrumento ng bulok na sistema.
Hindi rin solusyon ang nasyunalisasyon ng industriya sa ilalim ng isang pandaigdigang kapitalistang sistema. Ito ay kapitalismo ng estado na napatunayang palpak sa dating USSR, Eastern Europe, China, Vietnam, Cuba, etc. Ang kapitalismo ng estado ay tiyak na pipiga ng lakas-paggawa sa pamamagitan ng ibayong pagsasamantala sa mga manggagawa sa ngalan ng “pagmamahal sa bayan” at “pagtatanggol sa inang-bayan”.
Hindi lang ang estado ng Pilipinas ang inutil. Lahat ng mga kapitalistang estado sa buong mundo ay inutil! Hindi na nito masolusyonan ang krisis na nananalasa ngayon dahil ang puno’t-dulo nito ay ang mismong mga kapitalistang relasyon sa produksyon, ang sahurang pang-aalipin!
Nasa uring manggagawa ang pag-asa
Wala na sa kamay ng burgesya ang pag-asa para makaahon sa kahirapan ang sangkatauhan sa mundo. Ang pag-asa ay nasa kolektibong mga kamay ng mulat na internasyunal na uring manggagawa, ang uri na siyang bumubuhay sa lipunang kapitalista.
Wala sa loob ng sistemang kapitalista ang solusyon kundi nasa pagwasak sa sistemang ito. At ang uring manggagawa lamang ang may tanging kapangyarihan na wasakin ang bulok na sistema.
Nasa uring manggagawa ang pag-asa ng sangkatauhan. Pero ma-realisa lamang ito kung hindi na aasa ang proletaryado sa burges na parliyamento, burges na eleksyon, mga reporma sa loob ng sistema at mga burges na partido pulitikal kabilang na ang mga partido ng Kaliwa.
Kung aasa ang proletaryado sa sariling lakas at pagkakaisa. Kung aasa ito sa lakas ng kanyang pakikibaka sa lansangan – mga welga at demonstrasyon – laban sa kapitalistang estado mismo at sa mga atake ng uring kapitalista, tiyak sisikat ang araw ng pag-asa sa mundo.
Walang maasahan ang mga manggagawang Pilipino kundi ang pakikiisa sa mga kapatid na manggagawa sa ibang mga bansa. Hindi maaasahan ng manggagawang Pilipino ang burges na oposisyon at ang “makabayang” burgesya at pulitiko. Anumang partido pulitikal sa bansa na nanawagan ng pakikiisa sa burges na oposisyon at “makabayang” burgesya at pulitiko ay traydor sa interes ng uring manggagawa.
Ito ang papel ng mga komunista sa buong mundo – ipakita at ipaliwanag sa kanilang uri na ang pag-asa ay nasa kanilang pagkakaisa at pakikibaka laban sa kapitalismo, laban sa lahat ng paksyon ng burgesya, laban sa estado at sa lahat ng mga institusyon nito.
Impeachment kay Gloria, Repormismo sa Esensya
Oktubre 13, 2008 nagsampa ng panibagong impeachment case sa kongreso ang burges na oposisyon kasabwat ang Bayan Muna at mga kaalyado nito sa Kaliwa at repormista. Ang panibagong impeachment case ay pinangunahan ni Joey de Venecia, anak ni dating Speaker Jose de Venecia na dating kaalyado ng paksyong Arroyo.
Ano ang layunin ng impeachment?
Una, nais lamang ipako ng burges na oposisyon at Bayan Muna ang kamulatan ng masa na ang paksyong Arroyo lamang ang ugat ng kahirapan sa bansa.
Pangalawa, upang muling hikayatin ang taumbayan na muling magtiwala sa burges na kongreso. Natatakot ang buong uring kapitalista na dadami ang mawalan ng tiwala sa parliyamentarismong burges at hawakan ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka. Ang papel ng Kaliwa sa kongreso bilang oposisyon ang epektibong pamg-eengganyo ng burgesya para muling manumbalik ang tiwala ng manggagawa at maralita sa burges na demokrasya.
Katunayan, si Bayan Muna representative Satur Ocampo mismo ang nagsasabing malaki daw ang posibilidad na mas maraming mga kongresista ang makumbinsi ngayon sa mga “ebidensyang” inihapag nila. At kung hindi na naman daw magtagumpay ang impeachment ay “naipakita” ng Kaliwa sa taumbayan na may kumikilos pa rin para patalsikin si Gloria. Ganito ka baluktot mag-isip ang Bayan Muna!
Pangatlo, paghahanda ito ng burges na oposisyon at Kaliwa para sa kanilang alyansa sa eleksyon sa 2010. Ibig sabihin, hikayatin ang masang anakpawis na itransporma sa boto ang kanilang galit sa bulok na sistema.
Bagamat punung-puno ng radikalismo ang pananalita ng Kaliwa laluna ng mga maoista, namutiktik naman sa repormismo ang kanilang praktika. Hindi maitago ng “armadong pakikibaka” ng maoistang Kaliwa ang mabilis na nalalantad na pagtatanggol nito sa pambansang kapitalismo na ngayon ay binabayo ng matinding krisis.
Kung sasabihin naman ng Kaliwa na ang ginagawa nila (repormismo) ay isa lamang taktika para isulong ang “rebolusyon”, mabuti pang iumpog nila ang kanilang mga ulo sa pader!
Kahit pa magtagumpay ang impeachment at mapatalsik si GMA sa Malakanyang, si Bise-Presidente Noli de Castro, na isa ding bataan ng mga kapitalista lamang ang papalit.
Higit sa lahat, hindi ang isang paksyon ng naghaharing uri ang dahilan ng krisis kundi ang mismong sistema ng sahurang pang-aalipin. Ang LAHAT ng paksyon ng naghaharing uri (administrasyon at oposisyon) ay sagad-saring tagapagtanggol ng bulok na sistema. Ang buong kapitalistang estado mismo (anumang paksyon ang hahawak nito) ang tagapagtanggol ng sistema. Ang buong estado mismo at ang lahat ng mga institusyon nito (kongreso, senado, korte, hukbong sandatahan, at iba pa) ang kailangang durugin sa pamamagitan ng rebolusyon ng manggagawa at hindi ng gerilyang pakikidigma sa kanayunan.
Condemn Economic and Financial Crimes, Intensify the Struggle Against Imperialism
October 24, 2008Statement on the US and Global Economic and Financial Crisis
By the International League of Peoples’ Struggle
We, the International League of Peoples’ Struggle, take cognizance of the total discredit of the “free market” dogma, the unravelling of the policy of “neoliberal globalization” and the gravity of the current level of the economic and financial crisis of the imperialist powers headed by the US. We condemn in the strongest terms all the economic and financial crimes of monopoly capitalism against the people under the slogans of “free market” and “neoliberal globalization”.
Such crimes are as follows:
1. The systematic driving down of the wages and other incomes of the working people and the suppression of their democratic rights for the purpose of maximizing the profits of the monopoly firms in the imperialist and other countries;
2. The cutbacks on social spending by governments for education, health and other basic services, tax cuts, gilded contracts, subsidies and insurance for the monopoly firms, the privatization of state assets , deregulation to make way for the unbridled exploitation of the working people and the environment and the use of state power in the service of monopoly capitalism;
3. The use of cheap labour in the less developed countries like China and India in order to produce cheap raw materials and semi-manufactured consumer products for the imperialist countries and thereby maximize imperialist profits;
4. The accelerated accumulation and centralization of productive and finance capital in the hands of the monopoly bourgeoisie and the growing financialization of the home economies of the US and other imperialist powers, with the financial corporations rapidly increasing their share of corporate profits;
5. The unbridled use of debt financing for consumption in order to conjure the illusion of economic growth, to cover trade deficits and budgetary deficits, to fuel corporate speculation in stock and bond issuances, mergers and derivatives, to allow unregulated money creation and debt expansion by commercial and investment banks and to stimulate financial bubbles like the mortgage scam in the US and elsewhere and debt-based consumption by households amidst industrial decline and decreasing employment in the US and other imperialist countries;
6. The use of public funds as well as people’s savings deposits and pension funds to bail out the bankrupted mortgage banks, commercial and investment banks and insurance companies involved in the massive mortgage fraud in the US and the global spread of poisoned securities backed by bad mortgages; and
7. The continuing accumulation and concentration of capital in the hands of the strongest corporate giants and the redeployment of finance capital in food, fuel and minerals causing a new bubble in prime commodities and generating inflation and price gouging at the expense of the broad masses of the people amidst depression and rampant unemployment.
The financial crisis, ignited by the mortgage meltdown and characterized by the bankruptcies of banks, abrupt stock market falls and severe credit crunch, and the economic crisis involving the further stagnation and depression of production and consumer market are destroying the forces of production and wreaking havoc on the lives of the people on a global scale.
The crisis of the imperialist system keeps on worsening, as the imperialist powers and all reactionary forces strive to preserve the moribund system of oppression and exploitation. They incite extreme reaction and fan the flames of chauvinism, racism, religious bigotry, fascism, military intervention and wars of aggression. Under these conditions, the suffering people everywhere are increasingly compelled to fight for their democratic rights and for national and social liberation.
We, the International League of Peoples’ Struggle, call on the people of the world:
1. To expose and oppose the root cause, historical sequence and circumstances of the current economic and financial crisis and condemn the economic and financial crimes of the US and other imperialist powers;
2. To intensify the mass movement for national and social liberation and wage all forms of struggle against the imperialist powers and their puppet states in all their attempts to perpetuate the imperialist system of exploitation and oppression and suppress the people’s movement by fomenting chauvinism, racism, religious bigotry and under the guise of anti- terrorism unleashing fascism, military intervention and wars of aggression;
3. To take advantage of the adverse effects of the aforesaid crisis on the status of the US as the No. 1 imperialist power, the intensified economic competition and political rivalries among the imperialist powers and the general discredit of the imperialist powers and their puppet states;
4. To seek ways of alleviating the poverty and economic suffering of the people while waging struggles against imperialism and the local reactionaries; and
5. To strengthen all progressive and democratic anti-imperialist forces and build the united front for the purpose of advancing the revolutionary mass movement in order to fight and defeat imperialism and reaction establishing new revolutionary and democratic states within the foreseeable future.
We are greatly inspired and strengthened by the resounding success of the Third International Assembly of the International League of Peoples’ Struggle. We feel confident and ever ready to realize our prime objective of bringing about greater unity among the people’s organisations and greater advances of the people’s struggles against imperialism and all reaction.
We reaffirm our commitment and resolve to step-up our preparations for the coordinated series of campaigns and actions and intensify the various forms of struggle against the whole imperialist system and all reactionary forces in power. We call on all progressive, democratic and anti-imperialist forces to join us and to seize every opportunity to unite and intensify the common struggle along the consistent and militant anti-imperialist and democratic line.
Certified by:
Prof. Jose Maria Sison
Chairperson, International Coordinating Committee
International League of Peoples’ Struggle
13 October 2008
Ramdam ang Kahirapan
Dagdag kasinungalingan at pang-iinsulto ang sagot ng rehimeng Arroyo sa lumalalang krisis at kahirapan sa pagpapakalat nito ng mga higanteng tarpaulin sa lansangan kung saan idinedeklara ng nakangising mukha ni Arroyo na “Ramdam ang Kaunlaran.”
Sa totoo’y walang kapantay na paghihikahos ang dama ng mamamayan sanhi ng napakalalang krisis panlipunan. Desperasyon ang kahulugan ng krisis para sa marami kung ikokonsidera pang nasa 80% ng mamamayan ang nabubuhay sa mas mababa sa P80 kada araw.
Umabot na sa 9.6% ngayong Mayo ang tantos ng implasyon o pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa. Ito ay sanhi ng patuloy na pagsirit sa presyo ng pagkain at langis. Ayon pa sa ilang mga ekonomista, maaaring sa pagtatapos ng Hunyo sa taong ito, aabot pa sa lagpas 10% ang tantos na ito.
Halos lingguhan na ang pagtaas ng presyo ng langis. Hindi pa nangangalahati ang 2008 ay lagpas P15 na ang kabuuang itinaas na presyo ng gasolina, krudo, at gaas. Dahil dito, kaka-apruba pa lamang ng P8 minimum na pasahe ay nakaamba na naman ang higit pang pagtataas ng pasahe sa dyip.
Kasabay ng pagsirit na ito sa presyo ng gasolina at pamasahe ay ang patuloy na paglala ng krisis sa bigas at pagkain. Normal na ang mahahabang pila sa ating mga palengke para sa P18.50 kada kilong bigas na ibinebenta ng National Food Authority. Umaabot mula P45 hanggang P51 naman ang halaga ng “well-milled” rice.
Umaabot na ngayon sa P871 ang pangangailangan ng isang pamilya
At dahil wala namang pagtaas sa sahod, higit na madaragdagan ang bilang ng lulubog sa kahirapan. Umaabot na ngayon sa P871 ang pangangailangan ng isang pamilya habang P382 lamang ang minimum na sahod sa Kamaynilaan. Kaya naman higit sa 2.3 milyong Pilipino ang bumabagsak sa antas ng maralita sa bawat 10% na pagtaas sa presyo ng pagkain.
Sa mga paaralan, patuloy ang programa ng komersyalisasyon at paghuthot ng tubo ng mga ganid na kapitalista-edukador. Aabot sa 378 pribadong kolehiyo ang magtataas ng matrikula sa bansa sa halagang 10%. Patuloy din ang pagbagsak ng enrollment rate sa elementarya mula 108.31% noong AY 2002-2003 tungong 99.87% sa AY 2006-2007 at sekundarya mula 83.55% (AY 2002-2003) tungong 79.50% (AY 2006-2007). Aabot sa 11.6 milyon o 34% ng kabataang may edad 6-24 ang hindi na pumapasok sa paaralan.
P7 kada estudyante kada araw lamang ang iginagastos ng gobyerno.
Ang lumalalang krisis sa edukasyon ay sanhi ng patuloy na pag-abandona ng rehimeng Arroyo sa responsibilidad nitong pag-aralin ang mamamayan. P7 kada estudyante kada araw lamang ang iginagastos ng gobyerno. 2.26% lamang ng Gross Domestic Product ng bansa ang inilalaan ng gobyerno sa edukasyon, malayo sa international benchmark na anim na porsiyento.
Sa pagnanais na isalba ang sarili nito, naglulunsad ang rehimen ng mga programa tulad ng P500 subsidy sa kuryente at paglalaan ng isang bilyong pesong subsidya para sa edukasyon.
Malinaw na pagpapapogi lamang ang mga pakanang ito ng rehimen ang ugat ng nararanasang krisis ng mamamayan. Patuloy ang pagpapakatuta nito sa interes ng mga imperyalista, kartel ng bigas at langis, at mga kapitalista-edukador.
Kasabay ng pagkalantad ng kabulukan ng rehimeng Arroyo ang pagtindi ng galit ng mamamayan at ang kanilang kapasyahang kumilos para sa agaran nitong pagpapatalsik.
Sa harap ng napatinding krisis panlipunan, nakaatang sa atin ang tungkuling higit na imulat, organisahin at pakilusin ang masang mag-aaral at igiit ang mga interes ng mamamayan. Sa ating pagpasok sa paaralan, dapat nating itransporma ang krisis sa isang daluyong ng kilusang masang magpapatalsik sa rehimen at magsusulong ng pagbabagong panlipunan.
Dapat maging handa ang ating mga balangay sa pagrerekluta ng laksang bilang ng mga mag-aaral sa ating hanay at pangunguna sa mga kampanya’t pakikibakang masa sa mga susunod na linggo. Nararapat lamang na ilunsad ang mga walk-out at boykoteo sa mga paaralan laban sa napakatinding kahirapan at pambubusabos na ipinapakana ng rehimen.
iparamdam natin sa rehimen ang galit ng mamamayan at dumadagundong na kilusang masa
Ramdam sa kasalukuyan hindi ang kaunlaran kundi ang walang kasingtinding kahirapan. Walang kasingkatwiran na iparamdam natin sa rehimen ang galit ng mamamayan at dumadagundong na kilusang masa laban sa kabulukan ng sistemang panlipunan at patuloy na pagsalanta ng iilan at dayuhan sa kabuhayan at interes ng mamamayan. #
Ang artikulong ito ay una nang nailathala sa Commitment, opsiyal na pahayagan ng LFS. Maaaring magdownload ng kopya dito.
COMMITMENT:ANG PANDAIGDIGANG KRISIS PAMPINANSYA
October 23, 2008Iminarka ng sunod-sunod n pagbasak ng mga pinakamalalaking bangko sa pamumuhunan ng US ang isa sa mga rurok ng matinding krisis pampinasya na yumayanig sa US at sa daigdig sa kasulukuyan. Marami ang nagsasabing kalebel na o mas malala pa ang kasalukuyan dinaranas sa Great Depression noong 1930’s.
Bumagsak ang stock market sa US at nagbunsod ito ng sunod-sunod na pagbasak sa stock market ng Latin America, Europa, at Asia. Marami pang mga bangko at kumpanyang pampinansya ang nanganganib na mabangkarote, magsara, o mapilitang makipagsanib sa iba pang kumpanya sanhi ng krisis.
Mayo 2006 pa lamang, una nang nadeklara ng pagkabangkarote(buncrupcy) ang Merit Financial Inc. Halos sabay sabay na nagdeklara ng pagkabangkarote ang humigit pang 25 na kumpanyang nagpapautang sa gitna ng 2007, kabilang na ang New Century Financial at Ameriquest, ilan sa pinakamalalaking tagapagpautang sa Us. Upang maiwasan ang pagsasara, umutang naman ng $11B mula sa iba’t-ibang mga bangko ang Couontrywide Financial Corp., isa pang dambuhalang institusyong pampinansya.
Sa kabila ng mga hakbangin ng gobyerno ng US na maiwasan ang pagsambulat ng krisis, tuloy-tuloy ang pagbasak ng stock market sa US at pagsasara ng mga bangko. Nag-ulat ng $435B pagkalugi ang mga bangko ng US noong Hulyo 2008. Habang sa Pilipinas, tinatayang P554B halaga ng stock ang nalugi sa loob lamang ng anim na araw (Okt. 5-11, 2008).
Epekto ito ng sunod-sunod na pagbagsak ng ilan sa mga pinakamalalaking bangko sa US, kasama ang Merryl Lynch at Bear Stearns nitong mga nakaraang buwan. kahit ang Lehman Brothers na nakalagpas sa Great Depression ay hindi nakataka sa kasalukuyang krisis at gumuho noong Setyembre.
Upang hindi mabangkarote ang Freddie Mae (FHLC o Federal Home Loan Corp.) at Fannie Mac ( FNMA o Federal National mortgage Ass.) mga malalaking institusyong pampinansya sa pabahay, sila ay tuluyan nang kinontrol ng gobyerno, habang sinalba naman ng gobyerno ng US ang American International Group, ang pinakamalaking insurance company sa US at sa buong mundo sa pamamagitan bg pagpapautang dito ng $85B.
kamakailan lamang, ipinasa ng gobyerno ni George Bush ang isang $700B na bail-out package upang iligtas umano ang mga kompanyang nanganganib pang magsara. Subalit sa kabila nito, nananatiling hindi humuhupa ang panic sa mga stock market ng buong mundo at patuloy pa rin ang pagbaagsak ng ekonomiya ng US at iba pang mga bansa. Lalo rin nitong sinindihan ang galit ng mamamayang Amerikano dahil galing sa kanilang buwis ang salaping gagamitin para rito. Sa kabila ng bail-out package na ito, nagkakasundo ang maraming eksperto at ekonomista na ang mga kaganapan nitong Setyembre ay simula pa lamang sa paglala nang kasalukuyang krisis.
1. Ano ang katangian ng kasalukuyang krisis?
Ang kasalukuyang krisis ay krisis sa sistemang pampinansya. Dulot ito ng pinansyalisasyon o ang pagpapaikot ng sobrang kapital sa mga pamilihang pampinansya sa halip na gamiting puhunan sa produksyon. Niyayanig nito ang stock market, mga bangko at iba pang institusyon sa pinansya ng mga imperyalistang bayan at mga kolonya.
Sa nakaraang 30 taon, tumindi ang konsentrasyon ng pampinansyang kapital sa iilang institusyon at bangko sa US at iba pang mga malalaking kapitalista/imperyalistang bansa. Pagsapit ng taong 2000, pagmamay-ari na ng 1% ng populasyon ng buong mundo ang kabuuang 40% yaman ng buong daigdig, habang ang 50% ng populasyon ng buong mundo ay naghahati lamang sa 1% ng yaman.
Nahuhumaling ang kapitalismo sa pamumuhunan at ispekulasyon sa paper commodity market tulad ng mga securities, bonds at stocks dahil limitado na ang mga larangan na pwedeng paglagakan at pagpalaguan ng kapital dulot ng krisis sa labis na produksyon.
Dahil sa labis na pagkonsentra ng yaman sa buong mundo, pinalala ang batayang tunggalian sa mga sistemang kapitalista – yaong di-pantay na relasyon sa pagitan ng sosyalisadong paggawa dulot ng mas maunlad na produksyon at pribadong tubo na nagsisilbi sa interes lamang ng iilan. Ang resulta nito ay ang paglikha ng sobra-sobrang kalakal na hindi naman kayang bilihin o ikonsumo ng mamamayang lubog sa kahirapan.
Ang walang tigil na paghahabol sa ganansya, ang kapitalistang akumulasyon at kapitalistang kumpetisyon, ang relasyon ng akumulasyon at kumpetisyon na nagpapatindi sa isa’t isa, ay nagbubunga ng mabilis na paglawak at paglaki ng produksyon sa lipunan. Pero ang paglawak at paglaki ng pamilihan ay di kasimbilis ng paglawak at paglaki ng produksyon. Di nakakasabay sa bilis ng paglaki ng produksyon ang bilis ng paglaki ng pamilihan.
Kaya ang natural na patutunguhan ng kalagayang ito ay ang pagbagsak ng negosyo kapag sobra-sobra na ang pagbaha ng mga produktong di maibenta sa pamilihan. Ito ang krisis ng labis na produksyon na bumabayo sa buu-buong mga industriya at sa buong ekonomya.
Ang pinansyalisasyon ay isang paraan ng pagpupumilit ng kapitalismo na makaalpas sa krisis ng labis na produksyon – isang sumpang nasa katangian nito at hindi nito matatakasan.
Dahil sa kalagayang hawak ng iilan sa buong mundo ang sobrang kapital at hindi naman kayang makaagapay dito ang sobrang kapasidad sa produksyon, humantong sa puntong kinailangang lumikha ng panibagong halaga sa halagang nalikha na. Kung gayo’y nakapipiga ng tubo ng hindi lumulikha ng aktwal na panibagong kalakal.
Umabot ito sa yugtong ang malaking bahagi ng kapital ay inilagak na sa ispekulasyon sa larangan ng pinansya. Likas na tunguhin ito ng sistemang kapitalista. Ayon nga kay Vladimir Lenin, “umabot na ang pag-unlad ng kapitalismo sa yugto na kahit ‘namamayani’ pa ang produksyon ng kalakal at nananatili pa itong batayan ng buhay pang ekonomiya, sa katunaya’y binabagabag na ito ng kapitalismong pampinansya hanggang sa ang mga bulto ng mga tubo ay kinakamkam na ng mga ‘henyo’ ng manipulasyon sa pinansya.”
Sa pamamagitan ng pinansyalisasyon, higit na naihihiwalay ang pinansya sa produksyon, at higit pang nakonsentra ang kapital at yaman sa iilang mga malalaking bangko at institusyong pinansyal. Pagsapit ng 2006, tatlo’t kalahating ulit na mas malaki sa halaga ng pandaigdigang produksyon ang halaga ng mga ari-ariang pampinansya noong 2006. Mula $12 trilyon noong 1980, lumaki hanggang $190 trilyon noong 2007 ang halaga ng samu’t saring instrumentong pampinansya. Tatlumpung porsiyento nito ay nasa US.
Paglikha ng mga “bula”
Bahagi ng pinansyalisasyon ang paglikha ng artipisyal na demand at pagpapalobo ng “pang-ekonomiyang bula” o economic bubble para buhayin ang naghihingalong ekonomiya. Sa pamamagitan ng “bula,” nakalilikha ng “artipisyal na kayamanan” ang isang kapitalistang bansa kahit na ang totoo’y batbat sa krisis ang ekonomiya nito. Nagagawa ito sa pag-engganyo sa pagbili (consumption) sa pamamagitan ng pagpapautang sa mababang interes, na siya namang maglilikha sa isang “aktibong ekonomiya.”
Bago pa man ang kasalukuyang krisis, marami nang mga naunang “bula” ang pinalobo at kalauna’y pumutok. Isang tampok na halimbawa ang dot-com bubble na lumobo sa kalagitnaan ng 1990s at pumutok noong 2001. Tampok sa nasabing “bula” ang pampinansyang ispekulasyon sa mga kumpanyang nakabase sa internet na matapos ang inisyal na pagtaas ng halaga ay biglang bumagsak at isa-isang nagsara. Ito ay nagdulot ng isang resesyon sa US at iba pang kapitalistang bayan.
Sa kaso ng kasalukuyang krisis, ang industriya ng pabahay ang pinalobong “bula”. Ebidente sa katangiang sub-prime ang higit na desperasyon ng kapitalismo na isalba ang sarili sa pagkalugmok.
Hindi na lamang simpleng pautang kundi inengganyo ang mamamayan na mangutang sa mga bangko para makabili ng sariling bahay kahit na sila ay tinaguriang mga NINJA (no income, no jobs, no assets) at kung gayo’y malabong makabayad ng utang. Ibinaba ang interes at pinaluwag ang patakaran ng mga bangko at pinansyal na institusyon sa pagpapautang. Umasa ang mamayan na sila ay kikita at makapagbabayad ng utang dahil sa umpisa, tumataas ang halaga ng mga bahay.
Subalit ang labis na pagtatayo ng bahay ay nagresulta sa sarplas na mga tirahan kung kaya’t nagsimulang bumagsak ang kanilang presyo.Sa pagsasara ng 2005 nagsimulang tumigil ang paglago ng industriya ng pabahay. Sa susunod na taon, bumagsak ng 40% ang US Construction Index. Sa pagputok ng “bula” at pagbagsak ng presyo ng mga bahay, hindi nakabayad ang mamamayan ng kanilang mga utang sa bangko pagka’t kalakhan sa kanila ay mahihirap. Noong 2007, umabot na sa 1.3 milyong bahay ang humaharap sa pagkarimata (79% na mas mataas kumpara noong 2006).
Tuwiran ang epekto nito sa mga bangko at pinansyal na institusyon na siyang mga nagpautang para sa pabahay. Nagkahawa-hawa ang pagkalugi ng mga bangko at pinansyal na institusyon dahil sa iskemang securitization – pinagsama-sama ng mga bangko ang mga utang ng mamamayan at ibenenta sa ibang pampinansyang institusyon upang kumita. Kung kaya’t nang hindi na makapagbayad ang mamamayan ng kanilang utang, nalugi hindi lamang ang mga bangkong kanilang pinagkakautangan kundi pati na rin ang mga institusyong bumili ng kanilang utang. Ito ang pinakamasahol na epidemya sa kasalukuyang krisis sa pinansya.
At dahil ang ugat ng kasalukuyang krisis pampinansya ay ang krisis ng labis na produksyon na hindi kailanman mareresolba ng kapitalismo, hindi magtatagumpay ang mga pagtatangka at pakana ng gobyerno ni Bush at ng mga ‘henyo’ ng pinansya na maresolba ang krisis. Hindi nito maiiwas ang ekonomiya ng US at ng daigdig sa resesyong pinatutunguhan nito ngayon.
2. Ano ang istorikal na konteksto ng krisis sa pinansya at mga yugto ng krisis ng imperyalismo?
Sa kasaysayan ng kapitalismo, matapos nitong tumungo sa yugto ng monopolyo-kapitalismo at imperyalismo, ilang beses nang pumutok ang krisis nito. Halos kada 10 taon ay sumasambulat ito.
Umaabot ng ilang taon ang krisis. Maramihang winawaldas at sinisira ang mga produkto, gayundin ang mga pwersa sa produksyon. Hanggang sa maidispatsa ang natambak na kalakal at unti-unting gumana uli ang produksyon at pamilihan.
At muli, unti-unting bibilis ang pag-andar ng produksyon at palitan. Ang paghakbang ay magiging pagsagsag, ang pagsagsag ng industriya ay magiging pagtakbo, at ang pagtakbo ay tutungo sa walang-patumanggang pag-uunahan sa produksyon, komersyo, pag-utang at pagpapautang, at ispekulasyon, na matapos ang pinakahumahagibis na mga paglukso, ay hahantong na naman sa hukay ng panibagong pagbagsak.
Ang unang yugto ng pangkalahatang krisis ng kapitalismo ay nagsimula matapos umunlad ang kapitalismo sa Belgium, Germany, Netherlands at US. Sanhi ng krisis ng labis na produksyon, hinati nila ang mundo para mapaglagakan ng sarplas na produkto at mapagsamantalahan ang ekonomiya ng mga atrasadong bayan sa Asya, Timog Amerika at Aprika. Sa kabila ng pagbubukas ng mga neokolonya at kolonya, muling pumutok ang krisis noong 1911 na nagresulta sa pagsasara ng mga pabrika at pagkatanggal sa trabaho ng libu-libong manggagawa lalo na sa US.
Ang ikalawang yugto ay ibayong mas matindi pa sa nauna. Sinasaklaw nito ang pagbagsak ng Stock Market hanggang Malaking Depresyon ng 1930s na ang sanhi ay ang ispekulasyon sa industriya ng Real State.
Sa ikatlo at kasalukuyang yugto ng krisis ng kapitalismo, itinutulak ang “neoliberal” na globalisasyon kung saan pinatitindi ang pandarambong sa kolonya at neo-kolonya ng mga imperyalistang bayan. Sa pamamagitan ng International Monetary Fund, World Bank at World Trade Organization, itinutulak ng imperyalismo ang mga patakarang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon, lalo na sa mga mahihirap na bansa, upang higit pang makakatas ng higit na tubong sasalba sa krisis nito sa pamamagitang ng murang hilaw ng materyales, murang lakas-paggawa, at upang malayang makapasok ang kanilang kalakal sa panibagong merkado.
Sa pagpupumilit ng kapitalismo na maresolba ang krisis nito, naglulunsad din ito ng digma para sa pang-ekonomiko at panteritoryong dibisyon ng mundo. Ang gera ay isa sa mga industriyang pinaglalagakan ng kapital. Muli ring nabubuhay ang industriya sa pamamagitan ng pagtatayo muli sa mga ito matapos ang pagkawasak na resulta ng digma.
Saklaw ng unang yugto ng krisis ng kapitalismo ang Unang Digmaang Pandaigdig. Isa sa dahilan ng pagputok ng digmaang ito ay ang pag-aagawan ng Germany at Englatera ng kontrol sa Gitnang Silangan na mayaman sa deposito ng langis.
Nagwakas naman ang ikalawang yugto ng krisis at Malaking Depresyon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kasabay ng pagtutulak ng “neo-liberal” na globalisasyon sa kasalukuyang yugto ng krisis ay ang paglulunsad ng giyerang agresyon at interbensyon sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tampok na mga halimbawa ng gyerang ito ang giyera sa North Korea at Vietnam, Persian Gulf War (1990-1991), pakiki-alam sa Bosnia at Herzegovina (1995-1996), pagsalakay sa Afghanistan (2001) at giyerang agresyon at pagsalakay sa Iraq (2003) sa ilalim ng iba’t ibang tabing tulad ng “war against terror.”
3. Ano ang inaasahang magiging epekto ng kasalukuyang krisis?
Sa pagtindi ng kasalukuyang krisis, inaasahan ang lalo pang pagbagsak sa kabuhayan ng mamamayan hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo. Bukod sa direktang epekto ng krisis, tiyak ding patitindihin pa ang kahirapan at panunupil bilang resulta ng pagpupumilit ng imperyalismo na makaahon mula sa bangkarote nitong ekonomiya at pagsamantalahan pa ng husto ang mamamayan para humuthot ng kita.
Ipinababalikat ng gobyernong Bush sa mamamayang Amerikano ang krisis na sanhi ng pagkaganid ng mga kumpanyang pampinansya sa pamamagitan ng $700 bilyong bailout na magmumula sa buwis ng mamamayan. Habang isinasalba ang mga kumpanyang ito, wala sa programang bail-out ang pagsagip sa mga nawalan at nangangambang mawalan ng tirahan sa Amerika.
Sa pagsasara ng mga bangko at mga kumpanyang umaasa rito, libo-libo ang nawalan at mawawalan ng trabaho. Sa kasalukuyan, nasa 6.1% na ang tantos ng unemployment sa US, pinakamataas sa nakaraang dalawang dekada. Kasama sa mga manggagawang matatanggalan ng trabaho bunsod ng krisis ang libu-libong mga migranteng mula sa mga atrasadong bansa na inaasahan naman para sa kanilang mga remitanses tulad ng sa Pilipinas.
Dahil konektado ang stock markets ng iba’t ibang bansa, magaganap ang pagbagsak ng ekonomiya hindi lamang ng US kundi ng ibang mga bansa na hahantong sa isang pandaigdigang resesyon. Lalala pa ito dahil hihigpit ang pagkonsumo sa US kaya’t liliit ang order ng import mula sa Latin Amerika at Asya na naka-asa sa pag-eexport ng kanilang mga semi-manupakturang produkto.
Sa patuloy na paglala ng krisis sa pinansya, natutulak ang mga kapitalista na maghanap ng ibang mababalingan ng kanilang sobra-sobrang kapital. Kaya lumilipat ngayon ang ispekulatibong kapital sa pangangalakal ng mga komoditi (commodities futures trading) tulad ng langis, mineral at mga komoditing pang-agrikultura, na inaasahang magtutulak ng higit pang pagsirit ng presyo ng pagkain at enerhiya lampas sa aktwal na kalagayan sa tunay na ekonomiya.
Higit na isusulong ng imperyalismo ang digma upang makalagpas sa kasalukuyan nitong krisis. Ayon sa isang pag-aaral, lalagpas sa $1 trilyon ang magagastos ng gobyerno ng Amerika para sa mga gastusing may kinalaman sa pakikidigma. Sa aktwal, mas malaki pa ang planong gastusin ng Department of Defense ng US kaysa sa pinagsama-samang defense budgets ng ibang mga bansa.
Higit na aatekihin ng imperyalismo ang mga manggagawa at kanilang interes, gaya ng ginawa nito sa mga nakaraang krisis. Lalong ipipilit pababain ang sahod, tatanggalin ang mga benepisyo at papatindihin ang mga atake laban sa kilusang paggawa at mga unyon. Sa isang sarbey, tumaas ang bilang ng mga pinaslang mula 115 noong 2005 tungong 144 sa 2006 dahil sa kanilang pag-uunyon. Sa Pilipinas, mula 2001, mahigit 900 na ang pinaslang ng rehimeng US-Arroyo.
Sa lalong pagkasadlak ng mamamayan ng daigdig sa kahirapan at pagpupumilit ng imperyalismo na mabuhay sa kabila ng isa sa pinakamalalang krisis sa kasaysayan nito, higit pang tatambad ang mga batayang kontradisyon sa sistemang kapitalista - sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan; sa pagitan ng burgesya at uring manggagawa; sa pagitan ng imperyalismo at mamamayan at bansang pinagsasamantalahan; at sa pagitan ng imperyalismo at pandaigdigang pakikibakang sosyalista.
Taliwas sa mga pahayag ng papet na rehimeng US-Arroyo, hindi ligtas ang Pilipinas sa krisis pampinansya ng US at ng daigdig. Sa katunayan, lalo nitong palalalain ang kahirapang nararanasan ng mamamayang Pilipino sanhi ng kronikong krisis ng lipunang malakolonyal at malapyudal.
Tampok sa mga kagyat na epekto ng krisis ang pagkalugi ng mga lokal na bangko at institusyong pampinansya na may exposure sa mga naluging bangko sa US tulad ng Banco de Oro, Development Bank of the Philippines, Metrobank, at iba pa. Kahit ang Government Security Insurance Service ay may bilyong dolyar na ipinuhunan sa US at iba pang pamilihang pampinansya sa ibayong dagat. Inaasahan rin ang pagbagsak sa $4 Bilyon na remitans ng halos 10 milyong Pilipinong migrante, at pagbagsak ng foreign investments na inaasahan ng ating ekonomiya na may lumiliit na sektor ng produksyon (17% na lamang sa agrikultura at 20% sa manupaktura).
Ang mga epektong ito ay palalalain ng pagpapatindi ng pakanang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ng rehimeng Arroyo alinsunod sa “neo-liberal” na globalisasyon na itinutulak ng kanyang among US. Tatanggalin ang anumang natitirang proteksyon sa ating ekonomiya upang mapagsamantalahan ng mga imperyalista at mga lokal na kasabwat nitong malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.
4. Sa kasaysayan, paano hinarap ng aping mamamayan ang pagputok ng krisis ng imperyalismo? Sa kasalukuyang krisis, ano ang tungkulin ng mga progresibong puwersa?
Kasabay ng pagtindi ng kahirapan ng mamamayan ang pagtindi ng kanilang kapasyahan na ibagsak ang sistemang mapagsamantala. Sa pagputok ng krisis, lalong nalalantad ang pagkabulok ng sistemang kapitalista na nagtutulak sa mamamayan na lumaban para ibagsak ito at palitan ng isang sistemang nagtataguyod ng kanilang interes.
Nilalantad ng kasalukuyang krisis sa pinansya na marapat at makatarungan ang paglaban ng mamamayan laban sa anumang tangka ng imperyalismo at lokal na mga kasapakat nito na ibaling sa mamamayan ang bigat ng pagsalba rito sa krisis na kanyang kinasasadlakan. Lalo lamang nitong pinalalakas ang batayan para labanan ang mga neo-liberal na patakarang tulad ng higit na pagpataw ng buwis (VAT at iba pa), at ipagtanggol at itaguyod ang karapatan para sa trabaho, mas mataas na sahod at iba pang serbisyong panlipunan. Higit pa, nalalantad na ang tangi at ultimong sulosyon sa isang lipunang batbat ng krisis ay ang pagpawi sa lipunang nakabatay sa uri at pagsasamantala.
Ang tagumpay ng rebolusyon sa Rusya noong 1917 ay naghudyat sa pagpasok ng daigdig sa yugto ng sosyalismo. Mahalagang ipunto na nagtagumpay ang rebolusyong ito matapos ang pagputok ng krisis ng kapitalismo na nagresulta sa unang digmaang pandaigdig. Matapos ang WWII, sunod-sunod naman ang tagumpay ng pakikibaka ng mamamayan sa Tsina, Vietnam, Cuba at North Korea.
Sa pamamagitan ng pagsasabansa sa mga industriya at kagamitan sa produksyon, sinosulusyonan ng isang lipunang sosyalista ang pribadong apropriyasyon at anarkiya sa produksyon. Winawakasan ang monopolyo at pagsasamantala sa iilan habang inilalatag ang kondisyon para sa tuluyang pagpawi sa uri.
Sa bawat pagputok ng krisis at pagtindi ng mga tunggalian sa kapitalismo, lumalakas ang mga pakikibakang anti-imperyalista at mga kilusan para sa pambansang paglaya. Tungkulin ng lahat ng aping mamamayan, lalo sa panahon ng papatinding krisis ng imperyalismo, ang ilantad ang kabulukan nito at magpunyagi sa pakikibaka laban dito.
Sa Pilipinas, kinakailangan ang ibayong pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba. Kabilang sa programa ng pakikibakang ito ang pagwawakas sa dayuhang kontrol sa ekonomiya, pulitika, kultura at ugnayang panlabas ng bansa. Layunin din nito ang pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo. Ito lamang ang magtitiyak sa kumprehensibong pag-unlad ng bayan na tumutugon sa pangangailangan ng mayorya sa halip na sa dayuhan at iilan.
Sa kagyat, kailangang labanan ang pagtatangka ng mga imperyalista at lokal na naghaharing-uri na ipapasan sa balikat ng mamamayan ang buong bigat ng kasalukuyang krisis. Dapat palakasin ang ating pakikibaka para sa economic relief measures tulad ng pagbasura sa RVAT sa langis, P125 across the board wage increase, mas malaking badyet para sa batayang serbisyo, suspensyon sa pagbabayad ng utang panlabas, at iba pang demokratikong kahilingan ng mamamayan. Kailangan din nating pahigpitin ang ating pakikipagkaisa sa mamamayan ng ibang bansa na nakikibaka din sa pananalasa ng imperyalismo.
Tanging sa pagsusulong ng pakikibakang ito makaka-asa ang mamamayan ng isang lipunang tunay na masagana at makatarungan para sa lahat. ###
Sanggunian:
Ecumenical Institute for Labor and Industrial Relations (EILER), Hinggil sa Pandaigdigang Krisis Pampinansya, September 2008;
Foster, John Bellamy, The Financialization of Capital and the Crisis, Monthly Review, http://monthlyreview.org/080401foster.php, April 2008;
Lotta, Raymond, Financial Meltdown and the Madness of Imperialism, http://www.countercurrents.org/lotta260908.htm, September 2008;
Villegas, Edberto, The Political Economy of the Current (2008) Capitalist Financial Crisis, http://bulatlat.com/main/2008/09/27/the-political-economy-of-the-current-2008-capitalist-financial-crisis/, September 2008;
Lenin, V.I. Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, 1917
Sison, Jose Maria, The Policy of “Neoliberal” Globalization and Worsening Economic Crisis in the Philippines, http://www.lfs.ph/2008/09/10/the-policy-of-neoliberal-globalization-and-worsening-economic-crisis-in-the-philippines/, September 2008;
IBON Foundation, On the global economic and financial crisis, http://www.lfs.ph/2008/09/20/on-the-global-economic-and-financial-crisis/, June 2008
prinsipyo ng LFS
October 8, 2008Mag-aral, maglingkod, mangahas na makibaka!
Praxis is the official theoretical journal of the League of Filipino Students
Praxis is available for download visit: www.lfs.kilusan.net
November 2005


10
Nananaig na kilusan ng mamamayan
Kung tutuusin ang kasalukuyang lakas at hinaharap ng rebolusyonaryong
kilusan ng sambayanan, kailangang maunawaan na ito ay nagpunyagi laban
sa mga mayor na tipo ng oportunismo at nagkamit ng tagumpay sa kilusang
pagwawasto. Sinalungat nila ang pang-ideyolohiya at pampulitikang opensiba
ng imperyalismo matapos ang pagbagsak ng rebisyunistang rehimen.
Kanilang sinuri at kinondena ang kataksilan ng rebisyunismo at kooptasyon
(cooptation) ng neokolonyalismo. Sila ay mahigpit na nanindigan laban sa
“free market” globalisasyon at laban sa pandaigdigang kampanyang terorista
ng US.
Pakikibaka sa kanayunan
Alam ko na papalaki ang bilang ng mga kabataan na tumutungo sa kanayunan
upang sumapi sa hukbong bayan at gumapan ng gawain sa hanay ng
masang magsasaka. Sila ay lumalahok sa iba’t ibang gawain sa hukbong
bayan, tulad ng gawain sa edukasyon at kultura, produksyon at pagsasanay
militar. Sila ay naglulunsad ng panlipunang pagsisiyasat at gawaing masa.
Tumutulong sila sa pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika
at mga organisasyong masa at nagsusulong ng reporma sa lupa at
iba pang kampanyang masa.
Sila ay bahagi ng paalon-along pagsulong ng armadong rebolusyon. Sila sa
kasalukuyan ay nagtatayo ng bagong demokratikong sistema sa iba’t-ibang
bahagi ng bansa. Kaya tamang sabihin na mayroong demokratikong
gobyernong bayan sa kanayunan kahit na sa Maynila at iba pang lunsod ay
nananatili ang reaksyunaryong gobyerno. Naghahanda na ang mamamayan
para sa ganap na pambansang tagumpay ng rebolusyon.
Papel ng ligal na porma ng pakikibaka sa mga sentrong urban
Bagamat prinsipal at mapagpasyang porma ang armadong pakikibaka
para durugin ang kapangyarihang pampulitika ng mga nagsasamantala at
para itatag ang bagong demokratikong kapangyarihan ng manggagawa at
magsasaka, hindi ito ang tanging porma ng paglaban. Ang mahusay na
pagsasalimbayan ng armado at ligal na porma ng pakikibaka ay lahatangpanig
nagsusulong ng rebolusyonaryong tunguhin.
Ang pang araw-araw na ligal na pakikibakang masa sa mga batayang isyu,
gayundin sa mga maiinit na isyu ng kasalukuyan ay nagsisilbi para turuan
ang malawak sa masa ng sambayanan. Nagiging malinaw ang mga isyu at
naitataas ang mga panawagan. Mahusay kung ang mga aksyong ito ng pa-
3
Pambungad
Ikinagagalak ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng League of
Filipino Students (LFS) na ilabas sa bilang nilalalaman ng Praxis ngayong Nobyembre
2005 ang malayang salin sa Filipino at gabay sa pagtatalakay ng
mensahe ni Prop. Jose Maria Sison na Task and Prospects of the Filipino Youth
(TPFY).
Sa layuning higit pang maipalaganap at mapopularisa ang akda, sinikap
isalin ng mga kasama sa pambansang himpilan ng LFS ang akda sa Filipino
at nilagyan ng mga tanong-gabay at balangkas upang mas madali itong
italakay ng mga lider at organisador sa mas maraming bilang ng mga
kasapi.
Mahalaga ang pag-aaral sa mensaheng ito sa pagsapol ng kabataan sa
kanyang oryentasyon at mahalagang papel sa pambansa demokratikong
pakikibaka. Umaasa kaming sa paglalabas namin ng gabay na ito, mas lalaganap
ang pag-aaral ng akda, maihahanay ito bilang isa sa mga batayang
pag-aaral na mahalagang makuha ng mga masang kasapi, at sa ganito’y
mas marami ang bilang ng mga kabataang mahihikayat maging mga
pambansa-demokratikong masang aktibista at kaakibat nito, higit na lalakas
at dadami ang ating mga balangay.
Sa kasalukuyan, mahigpit na tagubilin ng PKT na diinan, lalo na ng mga
bagong tatag na balangay, ang konsolidasyon at edukasyong pampulitika
sa hanay ng kasapian. Ang TPFY, kasama ang oryentasyon ng ating organisasyon,
Lipunan at Rebolusyong Pilipino at iba pang mga pag-aaral sa
ilalim ng Pambansa Demokratikong Paaralan (PADEPA), ang isa sa mga mahahalagang
pag-aaral na dapat nating masigasig na italakay sa lahat ng
ating mga kasapian.
Para sa Pambansang Komiteng Tagapagpaganap,
Vencer Crisostomo
Pambansang Tagapangulo
4
Gabay sa Pagtatalakay
Mga Tungkulin at Hinaharap ng Kabataang Pilipino*
Tasks and Prospects of the Filipino Youth
ni Prop. Jose Ma. Sison
Balangkas
Intro. Mahalagang papel ng kabataang Pilipino sa pakikibaka ng sambayanan
para sa pambansang kalayaan at demokrasya
1. Kasalukuyang kinakaharap ng kabataang Pilipino
2. Mga tungkulin ng kabataang Pilipino
3. Hinaharap ng kabataang Pilipino
Introduksyon Mahalagang papel ng kabataang Pilipino sa
pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at
demokrasya
Mahalaga ang papel ng kabataang Pilipino sa pakikibaka ng sambayanan
para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Sila ang nasa unahan, sa
tuwing ang pambansa at panlipunang krisis ay lumulubha at dumadaluyong
ang rebolusyonaryong kilusang masa.
Makikita sa kasaysayan na ang mga kalalakihan at kababaihang kabataan
mula late teens, twenties at thirties ang namamayani sa pamunuan at
kasapian ng rebulosyunaryong hukbo at iba pang makabayang pwersa laban
sa kolonyalismong Espanyol, laban sa imperyalismong US, laban sa
pasismong Hapon, at laban sa US at papet nitong rehimen sa Pilipinas.
Sila rin ay namayagpag sa mga martsa at rallyista sa rurok ng mga ligal na
demokratikong kilusang masa, tulad ng Sigwa ng Unang Kwarto (FQS) ng
1970, gayundin sa pag-aalsang masa na nagpatalsik sa pisistang diktaduryang
Marcos noong 1986, at muli sa isang kahalintulad na pag-aalsa na nagpatalsik
sa kurap na rehimen ni Estrada noong 2001.
(*Ang gabay na ito ay malayang isinalin mula sa orihinal na Ingles na dokumento upang makatulong sa pagtatalakay.
Hindi ito ang opisyal na salin. Tinanggal rin ang unang bahagi na nagpapasalamat at bumabati sa mga tagapakinig at
naglagay ng mga tanong upang mas madali itong matalakay. Mungkahing sumangguni sa orihinal na Ingles na bersyon
kung may kalituhan bunsod ng maling pagsasalin.)
9
mangingisda, maralitang lunsod, kababaihan, propesyunal at mga relihiyoso.
Ang kabataan ay mahalagang salik sa pakikibaka para sa kalayaan at demokrasya.
Ngunit hindi nila maipapanalo sa sarili nila ang pakikibaka.
Anu’t anuman ipinakita ng kasaysayan na ang kabataang Pilipino ay
nananaig sa mga ligal na protesta at maging sa armadong rebolusyon. Ito
ay totoo noong panahon ng rebolusyong Pilipino noong 1986 at nananatiling
wasto sa kasalukuyang bagong demokratikong rebolusyon. Ang kabataan
ay may bentahe na maging bukas sa rebolusyonaryong ideya, sensitibo sa
inhustisya, masigla sa kilusang masa at handang gawin anuman ang
makakaya hindi lamang para sa kagalingan ng kabataan kundi ng buong
sambayanan.
3. Hinaharap ng kabataang Pilipino
Kasama ang sambayanan sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa at
ng magsasaka bilang pangunahing pwersa, mapapanday ng kabataang Pilipino
ang kanyang sariling kinabukasan sa pamamagitan ng rebolusyonaryong
pakikibaka para sa pambansang kasarinlan at demokrasya laban sa
imperyalismong US, at lokal na nagsasamantalang uri ng malaking burgesa
komprador at panginoong maylupa.
Demokratikong rebolusyon
Dapat ay tumanaw ng pagkumpleto ng bagong demokratikong yugto ng rebolusyong
Pilipino. Dapat ay lumaban para sa pagtatatag ng isang demokratikong
gobyernong bayan na kung saan ang kapangyarihan ay hawak na
ng mga manggagawa at magsasaka. Dapat ay lumahok sa pagsasabansa
ng ekonomiya at pagsusulong ng pambansang industrialisasyon at tunay na
reporma sa lupa. Dapat tayong mag-ambag sa pambansa, siyentipiko at
masang kultura. Umaayon sa pambansang kasarinlan, ang Pilipinas ay dapat
magkaroon ng malaya, papaunlad, at mapayapang polisiyang panlabas
(foreign policy).
Sosyalistang hinaharap
Matapos ang pagkumpleto ng yugtong ito sa pamamagitan ng pag-agaw
ng kapangyarihang pampulitika, maaaring simulan ang sosyalistang rebolusyon
at konstruksyon. Ang demokratikong gobyerno ng manggagawa at
magsasaka ang direktang ipapalit sa anti-nasyunal at anti-demokratikong
gobyerno ng malalaking komprador at panginoong maylupang tuta ng imperyalismong
US. Ito ang magbubukas ng daan tungong sosyalismo.
8
Masigasig at solidong pag-oorganisa
Walang saysay ang pagkakaroon ng pampulitikang edukasyon kung hindi
kayo mag-oorganisa sa mga masa ng kabataang Pilipino. Ang pagkakaroon
ng pampulitikang edukasyon ay hindi dapat maging isang porma ng kayabangan
upang patunayang kakaiba tayo sa ordinaryong kabataan. Ito ay
gabay sa pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa mga kabataan
sa papalaking bilang.
Ikinatutuwa ko ang pag-oorganisa ng ANAKBAYAN bilang isang komprehensibong
organisasyon ng kabataan na nagsusulong ng pambansang demokraikong
linya sa tradisyon ng Kabataang Makabayan. Dapat ay magkaroon
ng mga kasapi na mula sa uring manggagawa, pesante at peti-burgesyang
lunsod na mag-aaral, propesyunal at negosyante. Dapat ay magkaroon ang
ANAKBAYAN ng mga balangay sa mga paaralan, pagawaan, komunidad,
sakahan, opisina, linyang pampasada, at saanman posible at nararapat.
Ang League of Filipino Students at iba pang organisasyon ng mag-aaral na
tinatanganan ang pambansa demokratikong linya ay relatibong naging
maliit ang kasapian bagamat impluwensyal sa mga mag-aaral. Ngunit nagagalak
ako na marinig na ang LFS ay nagkakaroon na ng mga tagumpay sa
pagpaparami ng mga balangay nito at pagpapalawak ng kasapian nito sa
kolehiyo at departamento. Ako rin ay nagagalak na ang LFS ay inoorganisa
sa mga mag-aaral sa high school.
Kailangang-kailangan na magkaroon ng mga solidong organisasyon ng kabataan
na parating nagpapalawak. Mas malaki ang mga organisasyon, mas
malaki ang mga hindi organisadong masa na mapapamunuan sa mga kampanyang
masa at mobilisasyon sa protesta laban sa mga maling polisiya at
kasanayan at manawagan para sa kapakinabangan ng kabataan at
mamamayan.
Nasaksihan ninyo kung paano pinamunuan ng iilang libong kabataan ang
sampu-sampung libo sa pag-aalsang masa upang patalsikin sa Estrada
noong 2001. Kung nais nating magkamit ng mas malaki, tulad ng pagpapatalsik
o pagbabago ng batayang katangian ng naghaharing sistema,
kailangan natin ng mas malaking bilang ng mga organisadong kabataan na
makakapamuno sa milyon-milyong kabataang Pilipino.
Pakikiisa sa pakikibaka ng batayang masa at sambayanan
Hindi sapat para sa mga organisasyong kabataan na lumaki at lumawak.
Dapat ay umugnay sa mga organisasyon ng manggagawa, magsasaka,
5
Ang armadong rebolusyonaryong kilusan at ang ligal na demokratikong kilusan
ay magtatagumpay lamang kung mapapakilos nito ang kabataang
kalalakihan at kababaihan sa malalaking bilang sa pambansa demokratikong
linya at magamit ang kanilang kapasyahan, malalim na dedikasyon,
militansya at kasiglahan.
1. Kasalukuyang kinakaharap ng kabataang Pilipino
Krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng kabataan ang matinding krisis ng pandaigdigang
kapitalistang sistema. Ang papatinding konsentrayon ng kapital sa
US sa ilalim ng “free market” na globalisasyon ay nagluwal ng kasalukuyang
krisis pang-ekonomiya at pampinansiya. Ito ay lalo pang nagtutulak sa mga
dayuhang monopolyo kapitalista na patindihin ang pang-aapi at pagsasamantala
sa mamamayan. Ang US at iba pang mga imperyalista ay gumagawa
ng iba’t ibang pamamaraan upang makahuthot ng supertubo, saklutin
ang mga natural at panlipunang yaman ng sambayanang Pilipino at
panatilihin ang Pilipinas na nakatali sa lumalaking trade deficit at pasanin sa
utang.
Pinakamasahol sa lahat, nagsasagawa ang imperyalismong US ng malawakang
terorismo. Bahagi nito ang mga wars of aggression, ang paggamit ng
mga weapons of mass destruction para makapanuhol, mga military blockades
and interbensyong militar at represyon sa mamamayan sa US at iba pang
bayan.
Ang polisiya ng US ng terorismo sa daigdig ay kaugnay ng polisiya ni Bush
na naghahangad na sagipin ang ekonomiya ng US sa pamamagitan ng produksyong
militar at mga gera, na kontrolin ang mga suplay ng langis at gas
at upang palawakin ang pagkukunan ng US ng murang hilaw na materyales,
pamilihan, larangan ng pamumuhunan at saklaw ng impluwensiya.
Krisis ng malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema sa bansa
Ang malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema ng malalaking
burgesya komprador at panginoong maylupa ay nasa walang kasinglalang
krisis sanhi ng internal sa kabulukan nito at ng mga imposisyon ng imperyalismo.
Ang mga hilaw na materyales at mga semi-manufacture na eksport ng
Pilipinas ay sobra-sobra na sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga produkto
ng dayuhang manupaktura at agrikultural na produkto mula sa ibang bansa
ay itinatambak sa ating bansa dahil sa polisiya ng globalisasyon.
6
Lahat na ng porma ng dayuhan at lokal na pangungutang ay sinasamantala
at sinasaid. Mismong ang rehimeng Macapagal-Arroyo ay napipilitang
aminin na binabayo ng krisis ekonomiko at pinansyal ang bansa. Inilalako
nito bilang solusyon ang imposisyon ng mas mabigat na pasianing buwis at
pagtitipid sa karaniwang mamamayan, upang makakolekta ng pera upang
ipambayad sa utang, paligayahin ang mga kurap na matataas na burukrata
at paligayahin ang pwersang militar at pulisya.
Malaganap ang kawalang-trabaho at napakababa ng kita ng masang
anakpawis na manggagawa at magsasaka, gayundin ng panggitnang social
strata. Sa kabila nito, hinahayaan ang mabilis na pagbagsak ng piso, dinadagdagan
ang panasing buwis, binabawasan ang gastos ng gobyerno sa
edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan at hinahayaang
namang sumingil ng napakataas ang pribadong monopolyo sa tubig,
kuryente, transport at iba pang pampublikong utilidad.
Dahil sa pagkatuta nito sa imperyalismong US, ang rehimeng Macapagal-
Arroyo ay walang maidudulot sa sambayanan kundi higit na politikal at
moral na kawalanghiyaan, panlipunan at pang-ekonomiyang kahirapan, burukratikong
kurupsyon at represyon. Ang US at ang papet na rehimen ay
nagtutulungan sa paggamit ng islogan ng anti-terrorismo upang magpatuloy
ang paghahari ng kanilang walang-habas na kasakiman at ligalig.
2. Mga tungkulin ng kabataang Pilipino
Edukasyong Pampulitika
Una sa lahat, upang malaman ang kung paano magkakamit ng mga tagumpay
sa kasalukuyang daigdig at bansang lubog sa krisis, dapat ay maglunsad
ng edukasyong pampulitika hinggil sa pangkalahatang linya ng pagkumpleto
ng pakikibaka sa sambayanang Pilipino para sa pambansang kasarinan
at demokrasya laban sa imperyalismong US at lokal na mapagsamantalang
malaking burgesya komprador at panginoong maylupa.
Minimum na rekisito ang pag-unawa ang pambansa demokratikong programa
at preambulo sa konstitusyon ng organisasyon na kinapapalooban,
gaya ng komprehensibong ANAKBAYAN o mas espisipikong League of Filipino
Students. Ang batayang linya na inyong dapat masapol ay ang pangangailangang
kumilos ng sambayanan at kabataan upang isulong ang
pambansang soberenya at ang kahulugan at kahalagahan ng demokrasya,
lalo na para sa anakpawis—ang magsasaka at manggagawa.
7
Maaari at dapat palaging palalimin ang inyong edukasyong pampulitika.
Maaaring mag-aral ng lipunan at rebolusyong Pilipino ng konsentrado sa
loob ng dalawa o tatlong araw o di kaya sa lingguhang mga serye ng pulong
pag-aaral ng inyong yunit pang-organisasyon. Ngunit ang teksbuk o
manual na inyong ginagamit ay limitado sa ikli nito at petsa ng publikasyon.
Dapat ay higit na mag-aral lagpas sa teksbuk o study manual at subukang
magbasa at mag-aral ng mga babasahin hinggil sa kasaysayan at mga
kalagayan ng Pilipinas na isinulat ng mga makabayan at progresibong
awtor. Hindi lahat sa atin ay makakapagbasa ng napakaraming libro o
makakasulat ng isa ngunit dapat ay sanay tayong magtanong sa mga mas
nakaaalam na mga kasama, makipagtalakayan sa kanila at aralin kung
paano magtalakay at magpaliwanag ng mga isyu.
Lahat tayo ay dapat magsagawa ng seryosong panlipunang pagsisiyasat
upang malaman ang mga pangangailangan at kahilingan ng mamayan sa
ating linya ng gawain at sa gayon, matutunan kung paano oorganisahin ang
mamamayan.
May sapat na mga babasahin na tayo na pagsisibulan sa pag-aaral ng kasaysayan,
batayang problema at pambansa demokratikong pakikibaka ng
sambayanang Pilipino. Ngunit sa pinakamadaling panahon ay dapat unawain
at pag-aralan ang modernong imperyalismo. Dapat labanan ang salot
na ito sa sangkatauhan at lipulin ito sa pamamagitan ng pakikibaka para
sa pambasang kalayaan, demokrasya at sosyalismo.
Higit pa, dapat na aralin at matutunan kung paano ipinapataw ng
neokolonyalismo ang pambansang kasarinlan at kung paano pinagtaksilan
ng rebisyunismo ang sosyalismo upang malabanan ang parehong salot. Hindi
makakapanindigan ng matatag sa pambansa demokratiko at sosyalistang
yugto ng rebolusyong Pilipino kung hindi masusuri at maitatakwil ang pagpapataw
ng neokolonyalismo at pagtatalksil ng rebisyunismo.
Ang mga nais makakamit ng pinakamataas na lebel ng anti-imperyalistang
edukasyong pampulitika ay dapat sumailalim sa tearetikal na pag-aaral ng
diyalektikong materyalismo, ekonomiyang pampulitika ng kapitalismo at sosyalismo,
at rebolusyonaryong estratehiya at taktika sa pamamagitan ng
pagbaybay sa rebolusyonrayong pakikibaka ng proletaryado sa daigdig.
Ngunit syempre, sa pangmasang organisasyon ay sasapat nang lumalaki ng
mabilis ang masang kasapian sa sapat na pag-unawa sa pambansa demokratikong
linya.
4
Gabay sa Pagtatalakay
Mga Tungkulin at Hinaharap ng Kabataang Pilipino*
Tasks and Prospects of the Filipino Youth
ni Prop. Jose Ma. Sison
Balangkas
Intro. Mahalagang papel ng kabataang Pilipino sa pakikibaka ng sambayanan
para sa pambansang kalayaan at demokrasya
1. Kasalukuyang kinakaharap ng kabataang Pilipino
2. Mga tungkulin ng kabataang Pilipino
3. Hinaharap ng kabataang Pilipino
Introduksyon Mahalagang papel ng kabataang Pilipino sa
pakikibaka ng sambayanan para sa pambansang kalayaan at
demokrasya
Mahalaga ang papel ng kabataang Pilipino sa pakikibaka ng sambayanan
para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Sila ang nasa unahan, sa
tuwing ang pambansa at panlipunang krisis ay lumulubha at dumadaluyong
ang rebolusyonaryong kilusang masa.
Makikita sa kasaysayan na ang mga kalalakihan at kababaihang kabataan
mula late teens, twenties at thirties ang namamayani sa pamunuan at
kasapian ng rebulosyunaryong hukbo at iba pang makabayang pwersa laban
sa kolonyalismong Espanyol, laban sa imperyalismong US, laban sa
pasismong Hapon, at laban sa US at papet nitong rehimen sa Pilipinas.
Sila rin ay namayagpag sa mga martsa at rallyista sa rurok ng mga ligal na
demokratikong kilusang masa, tulad ng Sigwa ng Unang Kwarto (FQS) ng
1970, gayundin sa pag-aalsang masa na nagpatalsik sa pisistang diktaduryang
Marcos noong 1986, at muli sa isang kahalintulad na pag-aalsa na nagpatalsik
sa kurap na rehimen ni Estrada noong 2001.
(*Ang gabay na ito ay malayang isinalin mula sa orihinal na Ingles na dokumento upang makatulong sa pagtatalakay.
Hindi ito ang opisyal na salin. Tinanggal rin ang unang bahagi na nagpapasalamat at bumabati sa mga tagapakinig at
naglagay ng mga tanong upang mas madali itong matalakay. Mungkahing sumangguni sa orihinal na Ingles na bersyon
kung may kalituhan bunsod ng maling pagsasalin.)
9
mangingisda, maralitang lunsod, kababaihan, propesyunal at mga relihiyoso.
Ang kabataan ay mahalagang salik sa pakikibaka para sa kalayaan at demokrasya.
Ngunit hindi nila maipapanalo sa sarili nila ang pakikibaka.
Anu’t anuman ipinakita ng kasaysayan na ang kabataang Pilipino ay
nananaig sa mga ligal na protesta at maging sa armadong rebolusyon. Ito
ay totoo noong panahon ng rebolusyong Pilipino noong 1986 at nananatiling
wasto sa kasalukuyang bagong demokratikong rebolusyon. Ang kabataan
ay may bentahe na maging bukas sa rebolusyonaryong ideya, sensitibo sa
inhustisya, masigla sa kilusang masa at handang gawin anuman ang
makakaya hindi lamang para sa kagalingan ng kabataan kundi ng buong
sambayanan.
3. Hinaharap ng kabataang Pilipino
Kasama ang sambayanan sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa at
ng magsasaka bilang pangunahing pwersa, mapapanday ng kabataang Pilipino
ang kanyang sariling kinabukasan sa pamamagitan ng rebolusyonaryong
pakikibaka para sa pambansang kasarinlan at demokrasya laban sa
imperyalismong US, at lokal na nagsasamantalang uri ng malaking burgesa
komprador at panginoong maylupa.
Demokratikong rebolusyon
Dapat ay tumanaw ng pagkumpleto ng bagong demokratikong yugto ng rebolusyong
Pilipino. Dapat ay lumaban para sa pagtatatag ng isang demokratikong
gobyernong bayan na kung saan ang kapangyarihan ay hawak na
ng mga manggagawa at magsasaka. Dapat ay lumahok sa pagsasabansa
ng ekonomiya at pagsusulong ng pambansang industrialisasyon at tunay na
reporma sa lupa. Dapat tayong mag-ambag sa pambansa, siyentipiko at
masang kultura. Umaayon sa pambansang kasarinlan, ang Pilipinas ay dapat
magkaroon ng malaya, papaunlad, at mapayapang polisiyang panlabas
(foreign policy).
Sosyalistang hinaharap
Matapos ang pagkumpleto ng yugtong ito sa pamamagitan ng pag-agaw
ng kapangyarihang pampulitika, maaaring simulan ang sosyalistang rebolusyon
at konstruksyon. Ang demokratikong gobyerno ng manggagawa at
magsasaka ang direktang ipapalit sa anti-nasyunal at anti-demokratikong
gobyerno ng malalaking komprador at panginoong maylupang tuta ng imperyalismong
US. Ito ang magbubukas ng daan tungong sosyalismo.
8
Masigasig at solidong pag-oorganisa
Walang saysay ang pagkakaroon ng pampulitikang edukasyon kung hindi
kayo mag-oorganisa sa mga masa ng kabataang Pilipino. Ang pagkakaroon
ng pampulitikang edukasyon ay hindi dapat maging isang porma ng kayabangan
upang patunayang kakaiba tayo sa ordinaryong kabataan. Ito ay
gabay sa pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa mga kabataan
sa papalaking bilang.
Ikinatutuwa ko ang pag-oorganisa ng ANAKBAYAN bilang isang komprehensibong
organisasyon ng kabataan na nagsusulong ng pambansang demokraikong
linya sa tradisyon ng Kabataang Makabayan. Dapat ay magkaroon
ng mga kasapi na mula sa uring manggagawa, pesante at peti-burgesyang
lunsod na mag-aaral, propesyunal at negosyante. Dapat ay magkaroon ang
ANAKBAYAN ng mga balangay sa mga paaralan, pagawaan, komunidad,
sakahan, opisina, linyang pampasada, at saanman posible at nararapat.
Ang League of Filipino Students at iba pang organisasyon ng mag-aaral na
tinatanganan ang pambansa demokratikong linya ay relatibong naging
maliit ang kasapian bagamat impluwensyal sa mga mag-aaral. Ngunit nagagalak
ako na marinig na ang LFS ay nagkakaroon na ng mga tagumpay sa
pagpaparami ng mga balangay nito at pagpapalawak ng kasapian nito sa
kolehiyo at departamento. Ako rin ay nagagalak na ang LFS ay inoorganisa
sa mga mag-aaral sa high school.
Kailangang-kailangan na magkaroon ng mga solidong organisasyon ng kabataan
na parating nagpapalawak. Mas malaki ang mga organisasyon, mas
malaki ang mga hindi organisadong masa na mapapamunuan sa mga kampanyang
masa at mobilisasyon sa protesta laban sa mga maling polisiya at
kasanayan at manawagan para sa kapakinabangan ng kabataan at
mamamayan.
Nasaksihan ninyo kung paano pinamunuan ng iilang libong kabataan ang
sampu-sampung libo sa pag-aalsang masa upang patalsikin sa Estrada
noong 2001. Kung nais nating magkamit ng mas malaki, tulad ng pagpapatalsik
o pagbabago ng batayang katangian ng naghaharing sistema,
kailangan natin ng mas malaking bilang ng mga organisadong kabataan na
makakapamuno sa milyon-milyong kabataang Pilipino.
Pakikiisa sa pakikibaka ng batayang masa at sambayanan
Hindi sapat para sa mga organisasyong kabataan na lumaki at lumawak.
Dapat ay umugnay sa mga organisasyon ng manggagawa, magsasaka,
5
Ang armadong rebolusyonaryong kilusan at ang ligal na demokratikong kilusan
ay magtatagumpay lamang kung mapapakilos nito ang kabataang
kalalakihan at kababaihan sa malalaking bilang sa pambansa demokratikong
linya at magamit ang kanilang kapasyahan, malalim na dedikasyon,
militansya at kasiglahan.
1. Kasalukuyang kinakaharap ng kabataang Pilipino
Krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng kabataan ang matinding krisis ng pandaigdigang
kapitalistang sistema. Ang papatinding konsentrayon ng kapital sa
US sa ilalim ng “free market” na globalisasyon ay nagluwal ng kasalukuyang
krisis pang-ekonomiya at pampinansiya. Ito ay lalo pang nagtutulak sa mga
dayuhang monopolyo kapitalista na patindihin ang pang-aapi at pagsasamantala
sa mamamayan. Ang US at iba pang mga imperyalista ay gumagawa
ng iba’t ibang pamamaraan upang makahuthot ng supertubo, saklutin
ang mga natural at panlipunang yaman ng sambayanang Pilipino at
panatilihin ang Pilipinas na nakatali sa lumalaking trade deficit at pasanin sa
utang.
Pinakamasahol sa lahat, nagsasagawa ang imperyalismong US ng malawakang
terorismo. Bahagi nito ang mga wars of aggression, ang paggamit ng
mga weapons of mass destruction para makapanuhol, mga military blockades
and interbensyong militar at represyon sa mamamayan sa US at iba pang
bayan.
Ang polisiya ng US ng terorismo sa daigdig ay kaugnay ng polisiya ni Bush
na naghahangad na sagipin ang ekonomiya ng US sa pamamagitan ng produksyong
militar at mga gera, na kontrolin ang mga suplay ng langis at gas
at upang palawakin ang pagkukunan ng US ng murang hilaw na materyales,
pamilihan, larangan ng pamumuhunan at saklaw ng impluwensiya.
Krisis ng malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema sa bansa
Ang malakolonyal at malapyudal na naghaharing sistema ng malalaking
burgesya komprador at panginoong maylupa ay nasa walang kasinglalang
krisis sanhi ng internal sa kabulukan nito at ng mga imposisyon ng imperyalismo.
Ang mga hilaw na materyales at mga semi-manufacture na eksport ng
Pilipinas ay sobra-sobra na sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga produkto
ng dayuhang manupaktura at agrikultural na produkto mula sa ibang bansa
ay itinatambak sa ating bansa dahil sa polisiya ng globalisasyon.
10
Nananaig na kilusan ng mamamayan
Kung tutuusin ang kasalukuyang lakas at hinaharap ng rebolusyonaryong
kilusan ng sambayanan, kailangang maunawaan na ito ay nagpunyagi laban
sa mga mayor na tipo ng oportunismo at nagkamit ng tagumpay sa kilusang
pagwawasto. Sinalungat nila ang pang-ideyolohiya at pampulitikang opensiba
ng imperyalismo matapos ang pagbagsak ng rebisyunistang rehimen.
Kanilang sinuri at kinondena ang kataksilan ng rebisyunismo at kooptasyon
(cooptation) ng neokolonyalismo. Sila ay mahigpit na nanindigan laban sa
“free market” globalisasyon at laban sa pandaigdigang kampanyang terorista
ng US.
Pakikibaka sa kanayunan
Alam ko na papalaki ang bilang ng mga kabataan na tumutungo sa kanayunan
upang sumapi sa hukbong bayan at gumapan ng gawain sa hanay ng
masang magsasaka. Sila ay lumalahok sa iba’t ibang gawain sa hukbong
bayan, tulad ng gawain sa edukasyon at kultura, produksyon at pagsasanay
militar. Sila ay naglulunsad ng panlipunang pagsisiyasat at gawaing masa.
Tumutulong sila sa pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika
at mga organisasyong masa at nagsusulong ng reporma sa lupa at
iba pang kampanyang masa.
Sila ay bahagi ng paalon-along pagsulong ng armadong rebolusyon. Sila sa
kasalukuyan ay nagtatayo ng bagong demokratikong sistema sa iba’t-ibang
bahagi ng bansa. Kaya tamang sabihin na mayroong demokratikong
gobyernong bayan sa kanayunan kahit na sa Maynila at iba pang lunsod ay
nananatili ang reaksyunaryong gobyerno. Naghahanda na ang mamamayan
para sa ganap na pambansang tagumpay ng rebolusyon.
Papel ng ligal na porma ng pakikibaka sa mga sentrong urban
Bagamat prinsipal at mapagpasyang porma ang armadong pakikibaka
para durugin ang kapangyarihang pampulitika ng mga nagsasamantala at
para itatag ang bagong demokratikong kapangyarihan ng manggagawa at
magsasaka, hindi ito ang tanging porma ng paglaban. Ang mahusay na
pagsasalimbayan ng armado at ligal na porma ng pakikibaka ay lahatangpanig
nagsusulong ng rebolusyonaryong tunguhin.
Ang pang araw-araw na ligal na pakikibakang masa sa mga batayang isyu,
gayundin sa mga maiinit na isyu ng kasalukuyan ay nagsisilbi para turuan
ang malawak sa masa ng sambayanan. Nagiging malinaw ang mga isyu at
naitataas ang mga panawagan. Mahusay kung ang mga aksyong ito ng pa-
3
Pambungad
Ikinagagalak ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng League of
Filipino Students (LFS) na ilabas sa bilang nilalalaman ng Praxis ngayong Nobyembre
2005 ang malayang salin sa Filipino at gabay sa pagtatalakay ng
mensahe ni Prop. Jose Maria Sison na Task and Prospects of the Filipino Youth
(TPFY).
Sa layuning higit pang maipalaganap at mapopularisa ang akda, sinikap
isalin ng mga kasama sa pambansang himpilan ng LFS ang akda sa Filipino
at nilagyan ng mga tanong-gabay at balangkas upang mas madali itong
italakay ng mga lider at organisador sa mas maraming bilang ng mga
kasapi.
Mahalaga ang pag-aaral sa mensaheng ito sa pagsapol ng kabataan sa
kanyang oryentasyon at mahalagang papel sa pambansa demokratikong
pakikibaka. Umaasa kaming sa paglalabas namin ng gabay na ito, mas lalaganap
ang pag-aaral ng akda, maihahanay ito bilang isa sa mga batayang
pag-aaral na mahalagang makuha ng mga masang kasapi, at sa ganito’y
mas marami ang bilang ng mga kabataang mahihikayat maging mga
pambansa-demokratikong masang aktibista at kaakibat nito, higit na lalakas
at dadami ang ating mga balangay.
Sa kasalukuyan, mahigpit na tagubilin ng PKT na diinan, lalo na ng mga
bagong tatag na balangay, ang konsolidasyon at edukasyong pampulitika
sa hanay ng kasapian. Ang TPFY, kasama ang oryentasyon ng ating organisasyon,
Lipunan at Rebolusyong Pilipino at iba pang mga pag-aaral sa
ilalim ng Pambansa Demokratikong Paaralan (PADEPA), ang isa sa mga mahahalagang
pag-aaral na dapat nating masigasig na italakay sa lahat ng
ating mga kasapian.
Para sa Pambansang Komiteng Tagapagpaganap,
Vencer Crisostomo
Pambansang Tagapangulo
2
11
triotiko at progresibong ligal na pwersa ay mapilit ang reaksyunaryong
estado na gumawa ng ilang mga reporma. Ngunit mahusay din kung ang
mga reaksyunaryong ito ay hindi tutugon sa mga kahilingan ng mamamayan
para sa mga batayang reporma at magdudulot sa mamamayan na magsulong
ng armadong rebolusyon.
Bilang kinatawan ng rebolusyonaryong kilusan ng sambayanan, ang National
Democratic Front of the Philippines ay pumapasok sa isang negosasyong
pangkapayapaan sa Government of the Republic of the Philippines. Ito ay
isang porma ng pakikibaka kung saan ang rebolusyonaryong pwersa ay
makakapaglinaw sa mga isyu at maproproklama ang mga kahilingan ng
sambayanan kahit na hindi ito magdulot ng kahit anumang klase ng batayang
reporma o pagkakasundo ng GRP at NDFP laban sa iisang kaaway.
Ang mga patriyotiko at progresibong partido ay nagkakamit ng mga
posisyon sa reaksyunaryong gubyerno. Ngunit iilang pusisyon lamang ang
kanilang makukuha dahil hawak ng reaksyunaryo ang mga batas, mga instrumento
ng pamimilit at karahasan, ang midya, pinansya at iba pang mga
aspeto ng elektoral na proseso. Sa higit pang suporta, maaring makakuha
ang patriyotiko at progresibong partidong ito ng dagdag na puwesto.
Ngunit hindi kailanman ito magiging sapat upang baguhin ang naghaharing
sistema dahil ang mga naghaharing reaksyunaryo ay handang gumamit ng
dahas laban sa anumang hamon sa kanilang pampulitikang kapangyarihan.
Ang karahasan sa kasalukuyan ay hindi na lamang nagmumula sa mga lokal
na reaksyunaryo ngunit maiging sa imperyalistang amo nitong US. Sinasabotahe
ng US ang negosasyong pangkapayapaan ng GRP-NDFP at pinatitindi
ang interbensyong militar nito sa ilalim ng kampanyang anti-terorismo. Nais
nitong maglunsad ng isang digmang agresyon laban sa sambayanang Pilipino
kasabay ng nagaganap na digmaang sibil sa pagitan ng rebolusyonaryo
at kontra-rebolusyonaryong pwersa.
Higit na pagpupunyagi sa pakikibaka
Habang ang imperyalismo ay nagpapatuloy sa paghahari nito sa Pilipinas,
ang kabataan at sambayanan ay walang ibang pagpipilian kundi ang paghahanda
para sa pinakamasama, tulad ng isang digmang agresyon ng US.
Gayon lamang tayo makakaasa ng pinakamaaliwalas, na pagtatagumpay
ng bagong demokratikong yugto at pagtungo sa sosyalistang yugto ng rebolusyong
Pilipino. Habang ang mga imperyalista at mga lokal na naghahari
ay napapatuloy na magsamantala at mang-abuso, ang mamamayan ay
walang ibang pagpipilian kundi ang pagpupunyagi sa rebolusyunaryong
pakikibaka para sa pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo.###
ibasura ang human exploitation s bansa
President Arroyo has ordered the crafting of a contingency plan to cushion the impact of a recession in developed countries on ordinary Filipinos, particularly those working overseas.
In her speech before the launching of the Global Forum on Migration and Development at the Kalayaan Hall in Malacañang yesterday, Mrs. Arroyo emphasized the importance of overseas Filipino workers to the economy.
She directed the Department of Foreign Affairs to lead in the effort of preparing the contingency plan along with the Department of Labor and Employment and the Commission on Overseas Filipinos.
“I direct them to draw up a contingency plan to cushion the impact of a possible economic recession of the developed economies on the ordinary people of the Philippines,” the President said.
Economic planners, she said, should “manage inflationary pressures and provide a safety net to those hit hardest by these global developments.”
Officials and analysts have warned that the country’s exports will be hit hard by an economic slump in developed nations and that numerous Filipinos overseas may be hurt if the economies in their host countries slow down.
“Migration is a growing global phenomenon. With eight million Filipinos abroad - but it’s only a fraction of the 191 million migrants all over the world - overseas Filipinos continue to play a critical role in the country’s economic and social stability,” Mrs. Arroyo said.
Remittances from overseas Filipinos rose from $12.8 billion in 2006 to $14.45 billion in 2007. The figure is expected to reach $15.9 billion by the end of the year.
For next year, the Bangko Sentral ng Pilipinas expects remittances to reach $18.3 billion.
The President’s economic managers called the OFWs “recession proof” because of their contribution to the country’s stability amid a global slowdown sparked by the financial crisis in the US.
Many Filipinos working in the US are in the health care industry as nurses, doctors and in the education sector as teachers. The two industries are hardly affected by the financial meltdown.
“As we face the most significant global economic and financial crisis in a generation, the poor feel it most,” the President said.
She also said overseas Filipino workers should be called expatriates because they are skilled and receive higher salaries.
“They should be called expatriates because expatriates usually get higher pay than if you just call them workers,” the President said. - Marvin Sy With Paolo Romero (Philstar News Service, www.philstar.com)




