AROUSE, ORGANIZE, & MOBILIZE!

impeyalismo,
pyudalismo,
burukrata kapitalismo,
IBAGSAK!!!!!

NO TO CAH CHA
NO TO VAT
NO TO OIL DEREGULATION LAW
NO TO LIBERALISM GOVERNMENT
NO TO GLORIA ARROYO-US GOVERNMENT

Home » Archives » September 2008

praymer-financial crisis hinggil sa kasalukuyan

September 29, 2008

Hinggil sa Kasalukuyang

Pandaigdigang Krisis

Pampinansya

Ecumenical Institute for Labor Education and

Research

23 Setyembre 2008

Nitong nakaraang linggo, bumagsak ang Lehman

Brothers at Merrill Lynch ng Wall Street. Niyanig ng

pagbagsak na ito ang pandaigdigang ekonomya,

laluna ang stock markets. Kasama ang naunang

pagbagsak ng Bear Stearns, bumagsak na ang tatlo

sa limang pinakamalalaking bangko sa

pamumuhunan at mga sagradong simbolo ng

kapitalismo sa America.

Sumunod ang American Insurange Group (AIG),

pinakamalaking kumpanya ng insurance sa buong

mundo, na humingi ng $85 bilyong pautang mula sa

US Federal Reserve upang hindi tuluyang

mabangkarote. May ilan pang dambuhalang bangko

sa US ang patuloy na nanganganib ang katayuan.

Napilitan din ang gobyerno ng US na akuin ang

bilyon-bilyong mga utang na di mabayaran sa

dalawang pangunahing tagapagpautang para sa

pabahay sa US — ang Frannie Mae (Federal National

Mortgage Association) at Freddie Mac (Federal

Home Loan Mortgage Association) — para lamang

hindi tuluyang mabangkarote at magsara ang

dalawang ito.

1.) Samantalang umabot ang paglala ng krisis sa

pinansya sa panibagong pagtindi, ang

ipinamamaraling ‘Mother of all bail outs’, na siyang

inaasahan maglalaan ng US $700 bilyon, at maaari

pang umabot hanggang US$1 trilyon ay nagsisimula

pa lamang pag-debatehan sa US Congress at US

Senate. Anuman ang iresulta ng debateng ito,

sigurado ang malalim at madilim na resesyon para

sa US, at maging Europa, samantalang papalalain

naman nito ang pagkasadlak ng atrasadong mga

bansa sa ‘matagalang depresyon’.

May susing papel sa sistemang kapitalista ang mga

monopolyong bangko. Nakakonsentra sa kanila ang

negosyo sa pagtustos sa mga pinansyal na

pangangailangan ng industriya at kalakalan. Pagaari

ang mga ito ng maliit na bilang ng mga

pinakamakapangyarihang kapitalistang

pampinansya. Nakasentralisa sa kanila ang

kapangyarihan sa pinansya, produksyon, kalakalan,

at buong ekonomya.

Ipinangako ng rehimeng Bush na aakuin ng

gobyerno ang mga di-mabayarang utang sa

pabahay sa US upang sagipin ang mga

monopolyong bangko at pakalmahin ang mga

nagpa-panic na kapitalista sa pinansya.

Sa Pilipinas naman, dali-daling nagpahayag ang

rehimeng US-Arroyo na hindi maaapektuhan ang

ating ekonomya sa sumambulat na krisis

pampinansya sa US.

2.) Upang higit na maunawaan kung ano nga ba ang

mga implikasyon ng kasalukuyang krisis

pampinansya sa daigdig at ang katotohanan sa

likod ng mga panibagong buladas ng rehimeng USArroyo,

kailangan nating balikan ang pinag-ugatan

ng krisis na ito.

Ang istorikal na ugat ng kasalukuyang krisis

pampinansya

Ipinatupad ng US ang mga patakarang “neoliberal”

mula noong katapusan ng dekada ’70 upang muling

pasiglahin ang tantos ng tubo ng mga kapitalista, at

pangibabawan ang problema ng stagflation o ang

sabayang pag-iral ng matumal na ekonomya at

mataas na implasyon noong panahong iyon.

Muling nakabangon ang Europa at Japan noong

dekada ’60 matapos mawasak ang kanilang

ekonomya noong World War II. Sumulpot ang

problema ng stagflation sa muling pagtindi ng

kumpetisyon at labis na produksyon ng mga

imperyalistang bansang US, Europa at Japan sa

panahong ito. Dahil dito, bumaba ang tantos ng

kanilang tubo sa pangkalahatan pagsapit ng dekada

1970s. Kasabay nito, nilustay din ng imperyalistang

US ang pondo nito sa gerang agresyon sa Indochina

na naging isang mayor na dahilan ng pagsirit ng

implasyon noon.

Pero pinalabas ng mga monopolyo kapitalista na

bunga ang stagflation ng malaking gastos ng

gubyerno sa serbisyong panlipunan at mataas na

antas ng pasahod sa mga manggagawa. Kaya sa

isang banda, isang pangunahing diin ng

3.) neoliberalismo ang pagpapaliit sa gastos ng

gobyerno sa serbisyong panlipunan, at pagtitiyak

na nakapako sa lupa at patuloy na lumulubog ang

sahod ng mga manggagawa.

Sa kabilang banda naman, todo-todo ang mga

pabuya sa mga monopolyo kapitalista. Binabawasan

ang kanilang bayaring buwis, hinahainan ng mga

kontratang militar, mga ari-ariang publiko,

binibigyan ng walang hanggang pautang, garantiya

at subsidyo sa pamumuhunan at nilalaanan ng

samu’t saring suportang pampulitika at militar para

makapagpalawak at magkaroon ng mga

mapagkukunan ng hilaw na materyales, pamilihan,

at mapaglalagakan ng puhunan sa lahat ng sulok ng

mundo.

Sa ilalim ng islogang “malayang pamilihan” at

“globalisasyon”, itinulak ng mga imperyalistang

bansa sa pangunguna ng US, ang mga atrasadong

bansa na ibuyangyang ang kanikanilang mga

ekonomya sa dayuhang kapital. Sa gayon, napabilis

ng monopolyong burgesya ang konsentrasyon at

sentralisasyon ng yaman sa kanilang mga kamay sa

pamamagitan ng pagpiga ng supertubo at bayadutang,

liberalisasyon ng daloy ng kapital at

kalakalan, pribatisasyon ng mga ari-ariang publiko

at serbisyong panlipunan, at deregulasyong

sumasagasa sa mga karapatan at kagalingan ng

masang anakpawis at sumisira sa kalikasan.

Ang binunga ng mahigit 2 dekada ng pagpapatupad

sa neoliberalismo ay higit na konsentrasyon ng

kapital sa kamay ng iilang monopolyo burgesya sa

isang banda, at ibayong pagsasamantala at

4.) pagkabusabos sa higit na nakararami. Noong 2000,

ang pinakamayamang 1% ng mundo ang may-ari

ng 40% ng yaman sa daigdig, ang

pinakamayamang 2% ang may-ari ng 51%, habang

ang pinakamahirap na kalahati ng populasyon ng

mundo ang may-ari ng wala pa sa 1% ng yaman ng

daigdig. Mahigit 2.8 bilyon ang nabubuhay sa di

lalampas sa $2 bawat araw, dumoble mula sa 1.4

bilyon noong dekada 1970. Mahigit 1 bilyon ang

walang sapat na pagkain at nagugutom, habang 1

bilyon ang wala man lang mapagkunan ng malinis

na tubig maiinom.

Sa halip na lutasin ng neoliberalismo o

imperyalistang globalisasyon ang problema sa

ekonomya, pinalala pa nga nito ang krisis ng

sobrang produksyon. Ito ang kalagayan kung saan

napakabilis ng paglawak ng produksyon ngunit

hindi nabebenta dahil walang sapat na kakayahan

ang mga mamamayan na bilhin ang mga ito. Para

sa mga kapitalista, nangangahulugan ng pagbaba

ng tubo, pagkalugi at pagbabawas ng empleyado.

Ito ay di-maiwasang tunguhin ng sistemang

kapitalista dahil ang pagyaman ng mga kapitalista

ay nakabatay sa pagsasamantala sa masang

anakpawis.

Ispekulasyon sa stock market at real estate

Upang mapasigla ang pamumuhunan at

pagkonsumo ng mamamayan nang hindi

pinapataas ang sahod at serbisyong panlipunan na

ipinagbabawal ng neoliberalismo, hinikayat ng

gobyernong US ang ispekulasyon sa stock market at

sa real estate. Kasabay nito, hinikayat din ng

5.) gobyerno ang pangungutang sa mga bangko at

institusyong pampinansya para laksa-laksa ang

pondong pantustos sa ispekulasyong ito. Ang

ispekulasyon ay isang paraan ng pamumuhunan na

kahalintulad ng pyramid scam o kaya’y pagsusugal

sa casino. Kaiba ito sa pamumuhunan sa

produksyon ng mga kalakal na nag-eempleyo ng

paggawa upang lumikha ng karagdagang yaman sa

lipunan.

Hinikayat ding isugal sa ispekulatibong

pamumuhunan pati mga ipon, pensyon at perang

nagmula sa pagsasangla ng bahay ng mga

ordinaryong mamamayang Amerikano. Hinikayat

din pagbili ng mga bagong kotse, gamit sa bahay at

iba pang kalakal na pangkonsumo upang pasiglahin

ang ekonomya.

Ito ang nasa likod ng huwad at pansamantalang

pagsigla ng ekonomya ng US noong dekada 1990.

Subalit naglaho din itong parang bula nang sunodsunod

na bumagsak ang halaga ng mga sapi sa

stock market, partikular sa industriya ng

information technology at internet, dahil din sa labis

na produksyon at papababa namang kakayanan ng

pamilihan. Ito yung tinatawag na pagputok ng tech

bubble o dot.com bust noong 2001.

Para maalpasan ang krisis na ito, pinalobo naman

ng mga monopolyong kapitalista sa US ang bula sa

real estate at konstruksyon sa pamamagitan ng

pag-aalok ng mababang interes sa pautang sa

pabahay. Pati yaong mga may maliit lamang na

kita, hindi maayos na record sa pangungutang at

walang kolateral ay binuyong mangutang batay sa

6.) pinalobong halaga ng kanilang mga isinanglang

bahay. Ito ang tinatawag na subprime mortgages

na lumobo at naipon sa account ng mga bangko sa

US mula 2001.

Pagsapit ng 2007, umabot na sa US$51.1 trillion

ang pinagkombinang utang ng mga mamamayan,

korporasyon at gobyerno sa US — halos apat na

beses ang laki kumpara sa $13.1 trillion Gross

Domestic Product (GDP) ng pinakamayamang bansa

sa daigdig. Lumaki din ang bahagi ng kabuuang

tubo ng mga kompanya sa US na napupunta sa

mga bangko at institusyong pampinansya mula

20% ng kabuuang tubo ng mga korporasyon (total

corporate profits) noong maagang 1980s hanggang

40% sa pagtatapos ng 2007.

Pagdating ng huling bahagi ng 2006, nagsimula

nang dumami ang mga di makapagbayad ng utang

sa pabahay dahil patuloy namang lugmok ang

tunay na kabuhayan ng masa. Nagresulta ito sa

pagbagsak ng ilang mga bangko na may malaking

pautang na subprime mula noong 2007.

Napakabilis na kumalat at lumalim ang epekto ng

malawakang kabiguang makapagbayad (default

rates). Susi dito ang pinalaganap ding iskema ng

securitization na pinauso ng mga malalaking

bangko sa pamumuhunan kung saan kinokombina

at binabago ang pakete ng mga pautang sa

pabahay, atbp at pagkatapos ay babansagan

bilang “mortgage-backed securities,” “asset-backed

securities,” “collateralized debt obligations,” (CDO),

“collateralized loan obligations” at “structured

investment vehicles”. Pagkatapos, ibinebenta din

7.) nila ang mga ito sa iba pang bangko at kapitalista

sa US at sa ibang bansa na sumusugal din sa

ispekulatibong pamumuhunan.

Ito ang isang dahilan kung bakit mabilis na lumobo

ang kabuuang halaga ng US financial assets mula

nang mahigit siyam na beses kumpara sa laki ng

GDP mula 1980 hanggang 2007. Ito din ang dahilan

kung bakit naging pandaigdigan na ang saklaw ng

pampinansyang krisis. Bunga ng bilyon-bilyong di

mabayarang utang na subprime sa US, sa

katunaya’y hindi na matukoy ng mga otoridad kung

alin at gaano talaga kalaki ang mga utang na

subprime, at kung sino talaga ang may utang

kanino.

Kaya pati mga bangko at stock market sa ibang

bansa ay nayayanig na rin. Marami na ring

malalaking bangko at kumpanya sa pinansya sa

Europe ang nanganganib bumagsak. May ilang

dambuhalang bangko sa UK ang nagsara o nilamon

na ng iba dahil sa pagkalugi din sa pautang.

Naglaho ang $1.6 bilyong puhunan ng pitong

bangko sa Japan sa nabangkaroteng Lehman

Brothers. Ang HSBC, pinakamalaking bangko sa

Europe, ay hinambalos ng $3.4 bilyong pagkalugi

noong 2007, bunga ng pagpipinansya nito ng mga

sanla sa pabahay sa US. Naghahanap na ito ngayon

ng kumpanyang bibili rito. Pansamantalang

nakaahon na lamang muli ang ilan sa mga

bangkong ito ngayon dulot ng malakihang

paglalabas ng pondo ng mga bangko sentral sa US,

Europe at Asia.

8.) Inaasahang magiging walang kaparis sa kasaysayan

ang napipintong pagbagsak sa halaga ng mga ariarian

(asset write-downs). Sa tantya ng IMF,

pwedeng umabot sa $1 trillion ang pagkalugi at

pagbagsak ng halaga ng mga pag-aari sa US –

halagang mas malaki pa sa buong GDP ng Australia.

Sa ibang pagtantya, maaaring umabot ng $30

trilyon ang kabuuang halagang mawawalang

parang bula sa buong daigdig sanhi ng krisis na ito.

Epekto sa mga mamamayan sa daigdig

Subalit hindi lang mga kapitalista sa pinansya ang

maaapektuhan ng malakihang pagkaluging ito sa

pautang at pagbagsak ng halaga ng mga pag-aari.

Ang totoo, karaniwang mga mamamayan ang

babalikat sa mapaminsalang mga epekto nito. Ang

pagsambulat ng krisis pampinansya ay

nangangahulugan ng mas matinding krisis sa

ekonomya sa kabuuan — pagbagal ng produksyon,

paglaki ng disempleyo, pagtumal ng pamilihan, at

pagtindi ng kahirapan ng mamamayan.

Tinatayang 2.2 milyon, o isa sa bawat 50 pamilya sa

US, ang mawawalan ng sariling bahay dahil sa krisis

at pagkabaon sa utang. Papabagsak din ang halaga

ng ipon ng mga ordinaryong mamamayan na

kanilang ipinuhunan sa pagbili ng bahay o inilagak

sa stock market. Libo-libong manggagawang

Amerikano ang nadadagdag ngayon sa bilang ng

walang trabaho. Umabot na sa 15 milyon ang wala

o naghahanap ng karagdagang trabaho sa US.

Dahil sa paghigpit ng pondo para sa pamumuhunan

at sa konsumo, inaasahang papasok sa

9.) napakalubhang resesyon ang US at iba pang

imperyalistang bansa sa darating na taon. Ayon sa

IMF, malamang babagal ang paglaki ng

pandaigdigang ekonomya sa 3% o mas mababa sa

2008 at 2009 — katumbas ito ng “isang resesyong

pandaigdig” ayon sa kanilang depinisyon.

Ang pagkitid ng pamilihang pangkonsumo sa US ay

magbubunsod din ng biglaang pagliit ng mga order

sa Latin Amerika, China, India, Southeast Asia at iba

pang bansang nakaasa sa pag-export ng mga

produktong agrikultural, hilaw na materyales,

mineral at mga mala-manupakturang mababa ang

dagdag-halaga para sa mga imperyalistang bansa.

Pinakamalalang maaapektuhan ang mga

atrasadong bansa na mahigpit na nakatali sa

neokolonyal na relasyong pangkalakalan sa US.

Kasama rito ang mga bansang tulad ng Pilipinas,

Mexico, at iyung mga nakatali sa mga kasunduan

para sa “malayang kalakalan” sa US, EU o Japan.

Magiging mas mahigpit din ang pautang at pagtaas

ng interes na singil ng mga bangko. Ibig sabihin,

maaaring magdulot ito ng pagliit ng daloy ng

pautang tungo sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig.

Problema ito para sa mga bansang umaasa sa

pagdaloy ng dayuhang kapital para (1) bayaran ang

lumang mga utang, (2) ipagpatuloy ang pagi-import

galing sa mga abanteng kapitalistang bansa, at (3)

pagtakpan ang kronikong depisitong bunga ng

pandarambong ng imperyalistang mga estado sa

kanilang ekonomiya.

Lahat ng ito ay magreresulta sa sarahan ng maliliit

na negosyo at malawakang tanggalan. Babala ng

10.) International Labor Organization, madadagdagan ng

5 milyong manggagawa ang hanay ng walang

trabaho sa buong mundo dahil sa kasalukuyang

krisis sa pinansya. Tataas daw ang pandaigdigang

tantos ng walang trabaho tungong 6.1%. Batay ito

sa mas optimistikong senaryo ng 4.8% na paglago

sa GDP ng daigdig, na nirebisa na nga at ginawang

mas mababa ng IMF. Kaya’t milyun-milyon pa ang

idadagdag sa 189.9 milyong walang trabaho noong

2007 bunga ng isang mas masahol na resesyon sa

2008 at 2009.

Sa patuloy na paglala ng krisis sa pinansya,

natutulak ang mga kapitalista na maghanap ng

ibang mababalingan ng kanilang sobra-sobrang

kapital. Kaya lumilipat ngayon ang ispekulatibong

kapital sa pangangalakal ng mga komoditi

(commodities futures trading) tulad ng langis,

mineral at mga komoditing pang-agrikultura, na

inaasahang magtutulak ng higit pang pagsirit ng

presyo ng pagkain at enerhiya lampas sa aktwal na

kalagayan sa tunay na ekonomiya. Sa gayo’y labis

at napakabilis nitong uuk-ukin ang tunay na halaga

ng kita ng malawak na mayorya lalo na sa Ikatlong

Daigdig. Binubuo ng pagkain ang 30-40% ng gastos

sa konsumo (consumer-price index) sa mayorya ng

mga bansang mahihirap, kumpara sa 15% lamang

sa mga ekonomiyang G-7. Tantya ng The

Economist, dalawang katlo (2/3) ng populasyon ng

mundo ang malamang dumaranas ngayon ng

dobleng-numerong implasyon. Isinasadlak nito ang

milyun-milyong tao sa papalalim na karalitaan.

Epekto sa Pilipinas

11.) Bilang malakolonyal at malapyudal na bansa na

pinahihirapan ng dayuhang imperyalismo at

katutubong pyudalismo, pamalagian ang sosyoekonomikong

krisis sa Pilipinas. Subalit sa ilalim ng

imperyalistang globalisasyon, lalong nalugmok ang

ekonomya ng bansa at higit na bulnerable sa

epekto ng tumitinding krisis ng pandaigdigang

sistemang kapitalista. Taliwas sa sinasabi ng

rehimeng US-Arroyo na hindi na gaano nakatali ang

Pilipinas sa US, isang bahing ng US ay tinatrangkaso

na ang Pilipinas dahil dominado pa rin ng

monopolyo kapitalistang US ang ekonomya ng

bansa.

Mahigit P2 trillion na ang nawala sa halaga-sa-papel

ng mga sapi sa Philippine Stock Exchange mula

Agosto 2007 nang pumutok ang subprime crisis sa

US. Posibleng mabawasan din ng $386 million ang

halaga sa assets o yaman ng pitong bangko sa

Pilipinas na may puhunan sa nabangkrap na

Lehman Brothers sa US. Tiyak na lalaki pa ang mga

asset writedowns na ito sa pagdami ng mga bangko

at kumpanyang malulugi sa US at iba pang bansa

na may kaugnayan sa Pilipinas.

Pero hindi lang mga bangko ang apektado.

Kalakhan ng ineexport ng Pilipinas na hilaw na

materyales, produktong agrikultural, mineral at

mala-manupaktura ay para sa US kaya’t babagsak

din ang kita ng bansa mula sa exports dahil sa

resesyon doon. Ayon sa Ibon Foundation, 20% ng

kabuuang exports ng Pilipinas ay diretso sa US

habang ang malaking bahagi ng exports papunta sa

Japan, China, Hong Kong, South Korea, Taiwan at

Malaysia ay mga component at equipment para sa

12.) mga produktong inaasembol sa mga bansang ito

bago i-export din sa US. Kapag naging matumal din

ang iba pang bansa dahil sa pandaigdigang

resesyon, lalo pang babagsak ang kikitain ng

Pilipinas sa pag-eexport.

Kahit ang ipinagmamalaki ng gobyernong Arroyo na

Business Process Outsourcing (BPO) sector sa

Pilipinas ay dominado din ng mga monopolyo

kapitalistang US at nakaasa sa kalagayan ng

ekonomya sa US. Ayon sa Ibon, 90% ng BPO export

revenues ng Pilipinas ay mula sa US market.

Tinatayang malilimitahan din ang pagdami ng mga

Pilipinong makakahanap ng trabaho sa ibang bansa

dahil sa resesyon sa mga kapitalistang bayan at

pagtumal ng pandaigdigang ekonomya sa kabuuan.

Mangangahulugan ito ng mas mababang remitans

at mas matamlay din na konsumo sa Pilipinas dahil

sa laki ng papel ng remitans sa lokal na ekonomya.

Sa pagbagsak ng exports ng kalakal at serbisyo

(hal. BPO), pagbagal ng pagdami ng OFW at pagliit

ng OFW remitances, tiyak na lalala ang disempleyo

sa Pilipinas, dadami ang wala o di-regular ang

trabaho, at lalong ilulubog ang sahod at kita ng mga

may trabaho. Pinalulubha pa ang sitwasyon ng

patuloy na pagsirit ng implasyon lalo na sa presyo

ng pagkain, dulot din ng krisis pampinansya at

patuloy na pag-iral ng pyudalismo sa kanayunan.

Sa pagtantya ng Asian Development Bank , “sa

bawat 10% pagtaas sa presyo ng pagkain, halos 2.3

milyon ang nadaragdag sa mga naghihirap.”

Mga pekeng solusyon

13.) Sa gitna ng pinakamatinding krisis na bumayo sa

US at sa pandaigdigang sistemang kapitalista mula

noong Great Depression, naglabas ng isang “rescue

plan” ang gobyernong Bush noong Setyembre 20.

Ayon dito, maglalaan ng humigit-kumulang $700

billion ang gobyernong US para akuhin ang mga dimabayarang

utang sa pabahay. Dagdag ito sa $29

bilyon na inilaan ng gobyernong US upang

pondohan ang pagbili ng JP Morgan Chase sa

bumagsak na Bear Stearns, $200 bilyon upang

isalba ang Freddie Mac at Fannie Mae, $85 bilyon

upang bilhin ang 80% kontrol ng papalubog na

American Investment Group (pinakamalaking

insurance company sa daigdig), at $180 bilyong

ambag sa pondong gagamitin upang pasiglahin ang

mga pamilihang pampinansya. Sa kabuuan,

mahigit $1.3 trilyon na ang ilalaan ng gubyernong

Bush para sagipin ang mga monopolyong bangko at

pakalmahin ang nagpa-panic na mga kapitalista sa

pinansya. Idinadasal ng gobyerno na maisasalba ng

ganitong plano ang mga bangkong gumegewang sa

kasalukuyan.

Pero sa esensya, nangangahulugan ito na gagamitin

ang buwis mula sa masang anakpawis upang isalba

ang mga kapitalistang nagpasasa sa ispekulasyon,

patunay ng walang hanggang pagka-parasitiko ng

mga kapitalista sa pinansya. Inilarawan ang

sitwasyong ito ni Nouriel Roubini, isang ekonomista

sa New York University, na “sosyalismo para sa

mayayaman, makoneksyon at Wall Street (ibig

sabihin, pribado ang tubo pero sosyalisado ang

pagkalugi).” Bukod dito, magreresulta ito sa

paglaki ng depisito sa budget at paglobo ng utang

14.) ng gobyernong US, magpapahina sa US dollar at

magkakait ng mga pondong dapat mapunta sa

kagalingan ng mamamayan. Kaya’t sa halip na

solusyunan nito ang problema, ipinapagpaliban lang

nito ang mas malaking kombulsyon sa sistema.

Pinatunayan din ng krisis na ito ang

pangkabangkarote ng neoliberalismo, na sadyang

hindi uubra ang ipinangangalandakang islogan na

‘deregulasyon’ at ‘malayang pamilihan’ maging sa

sariling bansa o homefront ng kapitalismo sa US.

Lumalabas ang katotohanan na ipinagbabawal

lamang ng mga naghaharing-uri ang

“panghihimasok ng estado” sa pamilihan sa usapin

ng pagtataguyod sa interes at proteksyon sa

karapatan ng mga anakpawis. Para sa kanila

masama ang pagpapalaki sa gastos sa serbisyong

panlipunan; pagpapataas sa sahod; pagtitiyak sa

disenteng kalagayan sa paggawa; proteksyon sa

kalikasan para sa masa at para sa mga susunod na

henerasyon; proteksyon sa kababaihan, kabataan

at sa mga inaaping sektor sa lipunan; tunay na

reporma sa lupa at at pambansang

industriyalisasyon na tuwirang dinidireksyunan ng

estado. Pero kapag yaman at interes ng

pinakamalalaking kapitalista ang nakasalalay, agad

na inilalaan ang trilyon dolyar na pondo mula sa

kaban ng bayan para sila ay isalba.

Lantad na sa mamamayan ang kahungkagan ng

neoliberal na globalisasyon, at pagkabulok ng

sistemang kapitalista sa daigdig. Pero hindi ito

sapat para ipagdiwang ang katapusan ng

mapagsamantalang sistemang ito. Katunayan

lumalakas ang panawagan para sa ‘reporma’ ng

15.) kapitalismo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga

regulasyon at proteksyon upang maging mas

makatao at mas makatarungan ito sa nakararami.

Pero para sa mamamayan ng daigdig, laluna ng

mga bansang tuwirang apektado, itinutulak ng

pagsidhi ng krisis sa kanilang kabuhayan ang mga

panawagan para sa tunay na pagbabago.

Anong tunay na solusyon?

Ang kasalukuyang krisis pampinansya sa daigdig

ang pinakahuling manipestasyon lang ng

pundamental na mga kontradiksyon ng

pandaigdigang sistemang kapitalista na tumitindi sa

panahon ng imperyalistang globalisasyon. Lumalala

ang polarisasyong pang-ekonomiya, labis na

akumulasyon ng kapital, at labis na produksyon na

nagdudulot ng pagtindi ng krisis pang-ekonomiya at

sa dulo’y nagluluwal ng pagkawasak ng

produktibong mga pwersa ng lipunan. Likas ang

mga ito sa isang sistemang nakabatay sa pribadong

monopolyong kontrol ng iilan sa panlipunang mga

kagamitan sa produksyon.

Sa Pilipinas, pinalulubha at pinalalalim ng

imperyalistang globalisasyon ang malakolonyal at

malapyudal na sistemang panlipunan na siyang

ugat ng pagkabusabos ng sambayanan. Kasabwat

ng mga dayuhang monopolyo kapitalista sa

pangunguna ng imperyalismong US ang mga

malalaking panginoong maylupa at burges

komprador sa Pilipinas upang tiyakin na kontrolado

nila ang malalawak na lupain, likas na yaman at

lahat ng estratehikong industriya sa bansa.

16.) Dinidikta nila ang mga patakaran ng gobyerno

upang panatilihing atrasado ang ekonomya ng

Pilipinas, patuloy na pakinabangan ang murang

paggawa at murang hilaw na materyales sa bansa,

tiyakin ang malayang paghuthot ng supertubo ng

mga dayuhang monopolyong kumpanya, pagkalugi

sa kolonyal na kalakalan sa mga imperyalistang

bayan, pagpasasaan ang kaban ng bayan, at lalong

ilubog ang sambayanan sa utang na di kailanman

mabayaran.

Lahat ng ito ay hindi kayang isalba ng mga bailouts

at walang anumang pampasigla sa ekonomiya

(fiscal stimulus) o regulasyong pampinansya, o mga

safety nets na pansalo sa mga lumulubog sa

karukhaan, gaano man karami, ang makakapagareglo

sa mga suliraning ito.

Para sa sambayanang Pilipino, ang tanging

pangmatagalang solusyon ay ang pagbasura sa

mga patakarang neoliberal, pagpapatupad sa tunay

na repormang agraryo at komprehensibong

pambansang industriyalisasyon hanggang

maitaguyod ang sosyalismo. Ito lamang ang

magtitiyak sa komprehensibong pag-unlad ng

bayan na tumutugon sa pangangailangan at

kagalingan ng mayorya sa lipunan sa halip na sa

dayuhan at iilan. Ito ang magtitiyak na ligtas ang

ekonomya sa mapaminsalang mga krisis na dulot

ng anarkiya sa produksyon tulad sa sistemang

kapitalista. Ito ay magiging posible lamang sa ilalim

ng isang demokratikong gobyerno ng bayan na

tunay na kumakatawan sa interes ng masa ng

sambayanan.

17.) Sa kagyat, kailangang labanan natin ang

pagtatangka ng mga imperyalista at lokal na

naghaharing-uri na ipapasan sa balikat ng

mamamayan ang buong bigat ng kasalukuyang

krisis. Dapat palakasin ang ating pakikibaka para

sa economic relief measures tulad ng pagbasura sa

RVAT sa langis, P125 across the board wage

increase, mas malaking badyet para sa batayang

serbisyo, suspensyon sa pagbabayad ng utang

panlabas, at iba pang demokratikong kahilingan ng

mamamayan. Kailangan din nating pahigpitin ang

ating pakikipagkaisa sa mamamayan ng ibang

bansa na nakikibaka din sa pananalasa ng

imperyalismo.

Kahit batbat ng krisis, hindi kusang maglalaho ang

sistemang kapitalista sa daigdig at ang sistemang

malakolonyal-malapyudal sa Pilipinas dahil patuloy

itong itinataguyod ng mga naghaharing-uri gamit

ang lahat ng kanilang yaman at kapangyarihan,

panlilinlang at karahasan upang manatili sila sa

poder. Kailangan itong ibagsak ng mga

pinagsasamantalahan at inaapi sa lipunan at palitan

ng tunay na alternatibong kaayusan kung saan may

tunay na kalayaan, demokrasya at hustisyang

panlipunan.#

Posted by lfsarellanista at 2:31 pm | permalink | Add comment

Rocking with Calliope

September 14, 2008

Thank you for choosing Calliope to make your mark on the world wide web. You’ve made an awesome choice. because Calliope doesn’t just give you a blog, It gives you:

Unmatched privacy and security
Calliope gives you the power to create your own “Me Wide Web”, a slice of the internet that is truly your own, made available to who you choose, be it everyone or a select few.Simply add people you want to give access to via the control panel and set permissions every time you post new blog posts, photos or audio files.

A whole new level of customizability
Calliope allows you to edit all aspects of your blog on the fly, quickly and easily.

The most complete profile page
Our profile page brings together the essential content you have put out on the web, be it your social networks, your online photos and videos even your social bookmarks and anything else you consider significant. Your new profile page doesn’t just say who you are in the Calliope network, it’s a roadmap to who you are on the internet.

A powerful photo gallery
Calliope’s powerful photo gallery allows you to showcase your best photos to the world; the photo gallery also allows for easy organization of your digital memories and comes with advanced privacy and security options so you can control who sees which of your pictures.

Integrated Audio player
Calliope comes integrated with an audio player that allows you to upload your favorite songs and podcasts and organize them with ease. Stream your audio files from Winamp and iTunes; you can even set privileges so that you control who gets to stream or download your audio.

Your very own domain. (example: username.i.ph)

Mail forwarding
All email messages sent to yourusername@i.ph are automatically forwarded to the email address you used to register, giving you a unique, conveniently short email address.

Calliope was not designed with an aim to outdo all the existing blog platforms out there, but by thinking of ways to enrich YOUR online experience, that’s exactly what we ended up with. If we strip everything down, the internet is all about people. Lots and lots and lots of people. We understand that it’s easy to get lost in the pack. We want you to stand out. This is why Calliope is all about you. Enjoy!

Posted by lfsarellanista at 3:16 pm | permalink | Add comment